Gabby atat nang makatrabaho uli si Sharon...mataba man o seksi na | Bandera

Gabby atat nang makatrabaho uli si Sharon…mataba man o seksi na

Ervin Santiago |November 26,2015
facebook
share this

Gabby atat nang makatrabaho uli si Sharon…mataba man o seksi na

Ervin Santiago - November 26, 2015 - 02:00 AM

carla abellana

GUSTUNG-GUSTO nang makasama muli ni Gabby Concepcion sa isang teleserye o pelikula ang dating asawang si Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Gabby, kahit siya ay excited na sa gagawin nilang proyekto ni Mega dahil naniniwala siya na marami pa rin silang fans na naghihintay na muli silang magsama sa isang pelikula.

Sa presscon ng unang teleserye ni Gabby sa GMA 7, ang Because Of You kung saan makakatambal niya si Carla Abellana, tinanong namin siya kung looking forward pa rin ba siya sa reunion movie nila ng dating asawa, ang tugon ng bagong Kapuso actor, “Ang tagal nga eh.

Naiinip na ko. Ako pa kararating ko lang sabik akong gumawa ng pelikula.”May nagkomento naman na nagpapapayat pa raw si Mega hanggang ngayon dahil gusto nitong maging sexy kapag nagsama uli sila ni Gabby sa movie.

“Hindi, pwede naman. Pwedeng-pwede! Yun ang se-cond chance, hindi naman ako ang magiging dahilan kung bakit hindi matutuloy ang pelikula namin. Basta sa akin okey lang kahit anong itsura (ni Sharon), basta ang mahalaga diyan, yung istorya, the material,” paliwanag ni Gabo.

Napakalaki ng pasasalamat ni Gabby sa GMA dahil ito ang tumupad sa isang wish niya bago siya bumalik sa Amerika para sa ilang nata-nguang commitments. Ipinagdasal daw kasi niya na sana ay makagawa siya ng isang light drama-romance na teleserye in time for Christmas season.

“Ang sabi sa amin, four months daw (tatagal ang Because Of You). Kaya everything to be thankful for and nothing to complain about talaga. Napakasaya ng show namin, light lang siya kaya hindi mabigat sa dibdib, happy lang kami sa set lagi,” chika pa ni Gabby.

Tinanggap din daw ito ng aktor dahil ayaw na muna niyang mag-heavy drama, “Ayaw ko na sana ng mabigat kasi Christmas na. So tamang-tama naman nu’ng binanggit nila (GMA) ito.

Sabi ko nga it’s a wish come true na Christmas gift na rin. Though may mga kontrabida rin, like yung role ni Valerie (Concepcion) na gaganap na asawa ko pero magkakaroon siya ng other man, mas lamang yung mga nakakatuwa at nakaka-in love na mga eksena.”

How is it working with Carla? “Second time na namin, at masaya kasama si Carla naaalala ko yung daddy niya (Rey PJ Abellana, kasama rin sa nasabing serye) kapag nakikita ko siya, eh. Kasi contemporary ko si PJ.”

Anong pagkakaiba nu’ng first time na magkatrabaho kayo ni Carla four years ago sa pagsasama nila uli ngayon? Wala bang issue ang agwat ng edad nila? “Mas okey ngayon, mas komportable na kami.

Tingin ko kasi sa kanila pag nagtratrabaho na, trabaho lang so, hindi ko iniisip yung edad nila. Of course they’re young they look youthful pero kung kakambyohin ko, na iisipin ko na kasing edad lang nila si KC (Concepcion) medyo nasa-shock ako ng konti.

Nagugulat lang ako kasi ibang generation na kasi ito.”Kumusta ang treatment sa kanya ng GMA bilang first time Kapuso, “Very friendly sila. In fact, very warm sila nu’ng dumating ako. Ang sarap ng feeling. Para akong bagong dating uli galing sa abroad.”

In fairness, sa trailer pa lang ng Because Of You ay naaliw na ang entertainment press, lalo na sa mga cute na eksena nina Gabby at Carla bilang mag-boss. Magsisimula ang kuwento ng dalawa nang akalain ni Gabby na magpapakamatay si Carla sa isang tulay matapos itong iwan ng kanyang groom (Rafael Rosell) sa mismong araw ng kanilang kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mawawalan ng malay si Carla kaya isusugod siya ni Gabby sa ospital na isa palang mayamang negosyante. Hindi na nakilala ni Carla si Gabby nu’ng gabing dalhin siya sa ospital kaya hahanapin niya ito kasama ang dalawang makukulit na kaibigan (Iya Villania at Vaness del Moral), hanggang sa maging secretary nga siya nito at unti-unting mahuhulog ang damdamin sa isa’t isa.

Magsisimula na ang Beacause Of You sa Lunes, Nov. 30 sa GMA Telebabad (Kapalit ng Beautiful Strangers) at makakasama rin dito sina Celia Rodriguez, Kuh Ledesma, Enzo Pineda, Bettina Carlos, Carlo Gonzales, Joyce Ching at marami pang iba, sa direksiyon ni Mark Reyes na buong-ningning na tinawag si Carla na Meg Ryan at Sandra Bullock ng Pilipinas dahil sa timing niton sa comedy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending