Janella takot na takot magkadyowa | Bandera

Janella takot na takot magkadyowa

Ervin Santiago |November 24,2015
facebook
share this

Janella takot na takot magkadyowa

Ervin Santiago - November 24, 2015 - 02:00 AM

haunted house

FEELING ni Janella Salvador pahihirapan ng kanyang mommy ang sinumang lala-king magtatangkang manligaw sa kanya. Hindi man diretsong si-nabi ni Janella pero tila takot na takot siyang magka-boyfriend.

Sey ng Kapamilya teen star, kahit na 18 na siya sa March, 2016 ay pagbabawalan pa rin siya ng kanyang inang singer-actress na si Jenine Desiderio na magka-boyfriend. Pero ani Janella, choice rin daw niya na huwag munang magpaligaw para makapag-focus siya sa kanyang pag-aaral at pag-aartista.

Sa pocket presscon ng first movie ni Janella, ang 2015 MMFF official entry na “Haunted Mansion” under Regal Entertainment, sinabi nitong bawal pa siyang magpaligaw kaya lahat ng mga boys na nagpaparamdam sa kanya ay diretso niyang sinasabihan na friends na lang muna sila dahil wala pa sa priorities niya ang lovelife.

Dito rin niya sinabi na kailangan daw dumaan muna sa kanyang mommy ang mga suitors niya, “Siguro si mommy ang magpapahirap sa kanila, yun ang feeling ko,” natatawa pang chika as amin ni Janella.

Next year ay 18 na ang Kapamilya teen actress, pero hindi pa siya sigurado kung magkakaroon ba siya ng grand debut, “Parang mas gusto ko kasing mag-travel sa birthday ko, isasama ko ang mga close friends ko siguro.

Kasi baka hindi rin ako payagan kapag mag-isa lang ako.” Samantala, makakasama ni Janella sa latest horror movie ng Regal Films na “Haunted Mansion” ang dalawang Kapamilya young actors na sina Marlo Mortel at Jerome Ponce.

Nakasama ni Janella si Marlo sa daytime series niyang Oh My G! samantalang si Jerome naman ay gumanap na kapatid niya sa Be Careful With My Heart. At magiging love triangle sila ngayon dito sa “Haunted Mansion”.

Kuwento ng tatlo, talagang kinarir nila ang lahat ng mga eksena nila sa pelikula dahil bukod sa unang movie nga nila ito, gusto nilang patunayan sa madlang pipol na karapat-dapat makasali sa 2015 MMFF ang kanilang proyekto.

Ang “Haunted Mansion” ay tungkol sa mga pasaway na kabataang na pinarusahan ng kanilang paaralan. Ipinadala sila sa isang malayong lugar para mag-retreat. Wala silang kaalam-alam na ang bahay pala na pinuntahan nila ay punumpuno ng mga ligaw na kaluluwa.

Malalaking pelikula ang makakabangga nila sa darating na filmfest at aminado ang tatlong Kapamilya stars na grabe ang pressure na nararamdaman nila habang papalapit na ang Disyembre, pero nagkakaisa sila sa pagsasabing hindi malulugi ang mga manonood ng “Haunted Mansion” dahil tiniyak nina Mother Lily Monteverde at anak nitong si Roselle na makakalaban nang sabayan ang kanilang MMFF entry this year.

Dahil nga walang “Shake Rattle & Roll” ngayong taon, siniguro nilang isang mas malaki, mas nakakatakot at mas bonggang horror movie ang ihahandog nila sa mga Pinoy moviegoers.

Ayon naman sa direktor ng pelikula na si Jun Lana, hindi sila mapapahiya sa mga manonood na mahilig sa horror dahil talagang iniba raw nila ang atake ng katatakutan sa movie.

Ayon naman kina Janella at Jerome, ibinigay nila ang lahat ng kailangan sa kanilang mga eksena at nagpapasalamat sila kay direk Jun dahil naging mahaba ang pasensiya nito sa mahihirap na eksenang ginawa nila, lalo na doon sa mga may special effects na kailangang umarte sila nang makatotohanan kahit wala silang mga kaeksena.

Sabi naman ni Marlo, “Mahirap din ‘yung mga eksenang ginawa ko. Mas nahirapan ako dito kasi iba talaga eh kasi ‘yung takot kailangan mapaniwalaan ng tao. So medyo mahirap pero tina-try naman namin ang best namin at ti-nutulungan kami ni Direk Jun sa mga mahihirap na eksena sa movie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Haunted Mansion” sa Dec. 25 at makakasama rin dito sina LJ Reyes, Janice de Belen, Allan Paule, Vangie Labalan, Iza Calzado at marami pang iba.

Basta kami, dahil mahilig talaga kaming manood ng horror movies, hindi namin palalampasin ang “Haunted Mansion”, di ba, Jun Nardo! Alam mo na! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending