Claudine isinugod ang anak sa ospital, humiling ng dasal | Bandera

Claudine isinugod ang anak sa ospital, humiling ng dasal

Ervin Santiago |November 17,2015
facebook
share this

Claudine isinugod ang anak sa ospital, humiling ng dasal

Ervin Santiago - November 17, 2015 - 08:40 PM

santino barretto

NATARANTA si Claudine Barretto matapos mamula at mamaga ang mukha ng kanyang anak na si Rodrigo Santiago o Santino, nitong nakaraang Lunes.

Agad nang itinakbo ni Claudine ang bagets sa ospital dahil hindi na raw ito makahinga nang lumala pa ang rashes nito sa mukha. Sa kanyang Instagram account, ipinost ng aktres ang litrato ni Santino kung saan makikita ang matinding allergy na natamo nito sa kanyang face.

Kasabay nito, humiling din ng dasal si Claudine sa kanyang IG followers para sa kaligtasan ng anak nila ni Raymart Santiago. “Pls pray for Santino. We have to bring him to the hospital now ciz ang dami nyang allergies. before sleeping last night I already noticed rashes on his face.around 3:30am he couldn’t breathe well he woke me up & he had rashes e-verywhere.

Now we have to bring him to the hospital.” Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagbibigay ng update si Claudine tungkol sa kundi-syon ng kanyang anak. Ngunit isa kami sa nagdarasal na sana’y okay na nga-yon ang bagets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending