5 sugatan sa pagsabog sa Cotabato | Bandera

5 sugatan sa pagsabog sa Cotabato

John Roson |November 14,2015
facebook
share this

5 sugatan sa pagsabog sa Cotabato

John Roson - November 14, 2015 - 08:21 PM

LIMA katao ang sugatan nang sumambulat ang isang granada malapit sa public market ng Kabacan, Cotabato Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga sugatan na sina Berlie Baluyot, 46; Rosalie Parenas, 36; John Clark Opena, 13; Gerardo Moya, 48; at Johainna Pops Alon, 17.

Ayon kay North Cotabato provincial police spokesman Supt. Bernard Tayong, naganap ang pagsabog alas 6:30 sa panulukan ng Rizal avenue at Malvar street na malapit sa pamilihang bayan.

Dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang nakitang naghagis ng granada, ayon pa kay Tayong.

Ang pagsabog ay naganap ilang araw lang ang nakalipas matapos pasabugan ang isang police outpost sa barangay Kayaga sa bayan din ng Kabacan, nitong Miyerkules, na ikinasugat naman ng isang 4-anyos na batang lalaki.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending