Trak nabangin; 2 sugatan | Bandera

Trak nabangin; 2 sugatan

John Roson |November 11,2015
facebook
share this

Trak nabangin; 2 sugatan

John Roson - November 11, 2015 - 06:14 PM

benguet
Sugatan ang dalawang lalaki nang mahulog sa isang bangin sa Bokod, Benguet, ang sinakyan nilang trak na kargado ng semento kahapon ng hapon.

Isinugod ang driver ng trak na si Vincent Urbano at pahinante niyang si Conro Meno sa Baguio General Hospital dahil sa mga pinsalang tinamo sa insidente, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-4:30, habang minamaneho ni Marquez ang trak (TBC-790) na kargado ng 80 sako ng semento sa Ambuclao Road.

Tinatahak ng trak ang direksyon patungong Brgy. Tikey at dumadaan sa isang kurbada, nang mahulog ito sa banging may lalim na 30 metro, ayon sa ulat.

Sinabi ni Marquez sa pulisya na nasa kurbada na ang trak nang mapansin niyang nagloloko ang preno ng sasakyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending