Babalik pa ba ang BF? (2) | Bandera

Babalik pa ba ang BF? (2)

Joseph Greenfield |November 06,2015
facebook
share this

Babalik pa ba ang BF? (2)

Joseph Greenfield - November 06, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Janet ng Poblacion, Sudipen,  La Union
Problema:
1. May mabigat na problema po ako sa nga-yon. Nag-break kasi kami ng boyfriend ko. Magpa-Pasko pa naman. Nahuli ko kasi siyang may ibang ka-text at kalandian sa Facebook. Nagalit ako, tapos siya pa ang malakas ang loob na nakipagkalas sa akin. Sigurado ako na talagang may relasyon na sila ng babaeng iyon.
2. Ang itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa ba kami. Mahirap pala na wala siya at nasanay na ako sa kanya. Kung sakaling hindi na siya magbabalik, may chance kaya na magka-boyfriend uli ako kahit na 29 na ang edad ko sa ngayon? October 28, 1986 ang birthday ko at August 3, 1988 naman ang ex-boyfriend ko.
Umaasa,
Janet ng Sudipen,
La Union
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi kayo compatible ng ex-boyfriend mong Leo, sa halip ang tunay na ka-compatible mo ay isang lalaking Cancer na sa kasalukuyan ay papara-ting pa lamang sa iyong buhay.

Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing bukod sa hindi kayo compatible ng ex-boyfriend mo sa Astrology, hindi rin kayo compatible sa Numerology. Sa halip ang higit mong ka-compatible ay isang lalaking may birth date na 7, 16 o kaya’y 25.
Graphology:
Ang lagda mong mapangit ang simula pero gumanda na rin sa gitna hanggang sa dulong bahagi ay nagsasabing sa ikalawang pakikipag-boyfriend ay habangbuhay ka nang liligaya.
Huling payo at paalala:
Janet, ayon sa iyong kapalaran, hayaan mong mawala o tuluyan na kayong magka-break ng boyfriend mo, dahil ang totoo nito, tulad ng nasabi na, hindi na kayo magkakabalikan at hindi naman talaga kayo compatible sa isat–isa. Hintayin mo na lang ang ikalawang lalaking parating na sa iyong buhay. Ang lalaking ito ang makakatuluyan mo na nakatakdang dumating sa susunod na taon, sa buwan ng Abril sa edad mong 29 pataas. Ang ikalawang lalaking na banggit na siyang makakasama mo sa pagtatayo ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya ay nagtataglay ng initials na A.J.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending