Claudine, Derek na-bash sa pagsuporta sa kalyeserye ng Eat Bulaga | Bandera

Claudine, Derek na-bash sa pagsuporta sa kalyeserye ng Eat Bulaga

Ervin Santiago |October 29,2015
facebook
share this

Claudine, Derek na-bash sa pagsuporta sa kalyeserye ng Eat Bulaga

Ervin Santiago - October 29, 2015 - 12:03 PM

NANG dahil sa pagsuporta sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza, hindi rin nakaligtas sina Claudine Barretto at Derek Ramsay sa mga bashers na anti-AlDub.
Sa kanilang respective social media accounts ibinandera ng dalawang celebrities ang kanilang paghanga at pagsaludo sa ibinabahaging Pinoy values sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Dahil lang sa simpleng post ng nagbabalik-Kapamilya actress na “Love u Aldub! #aldubfan” na may kalakip na screengrab shot nina Alden, Yaya Dub at Lola Nidora (Wally Bayola) ay kung anu-ano nang masasakit na salita ang ibinato kay Claudine.
Nagpasalamat ang aktres sa mga natuwa at nakakaunawa sa kanya at humingi naman siya ng paumanhin sa mga na-offend na nagsabing parang hindi naman niya nirespeto  ang ABS-CBN considering na kababalik lang niya sa network.
Ayon kay Claudine, wala naman siyang masamang intensyon sa pagpo-post ng paghanga niya sa AlDub, natutuwa lang daw siya dahil napapasaya ng dalawa ang kanyang mga anak bukod pa sa may mga natututunang aral ang mga bagets mula sa kalyeserye.
Samantala, na-bash din nang husto ang Kapatid star na si Derek Ramsay nang mag-post din siya sa Instagram ng tungkol sa makasaysayang Tamang Panahon fans day sa Philippine Arena noong Oct. 24.
Dahil lang sa caption niya sa isang litrato ng Philippine Arena at ng AlDub na “51k people to watch #eatbulaga #aldub at Philippine arena. Amazing!” ay marami nang bumatikos sa kanya. Kesyo nakikisakay lang daw siya sa kasikakatan nina Alden at Yaya Dub, kesyo foul na raw ito sa TV5 at kung anu-ano pa.
Pero meron din namang dumepensa para sa hunk actor. Sabi ng isang follower ni Derek, “I think @ramsayderek11 is just proud of eat bulaga coz he’s one of the dabarkads before. LOVE YOU @ramsayderek11 !!!” Na sinagot naman ni Derek ng,  “Exactly @aniger_dg that’s where I started my showbiz career.”
Naging co-host din si Derek sa Eat Bulaga, isa sa mga segment na hinawakan niya noon ay ang “U-Bet”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending