Nadine Lustre kay Kathryn: Ok kami, pero di kami magka-text! | Bandera

Nadine Lustre kay Kathryn: Ok kami, pero di kami magka-text!

Ervin Santiago |October 17,2015
facebook
share this

Nadine Lustre kay Kathryn: Ok kami, pero di kami magka-text!

Ervin Santiago - October 17, 2015 - 02:00 AM

kathryn bernardo

IN fairness, kahit sikat na sikat na ngayon si Nadine Lustre, nakakapunta pa rin naman daw siya sa mga mall kasama ang kanyang pamilya. Na-eenjoy pa rin naman daw niya ang bonding moments with her family kapag wala siyang masyadong trabaho.

Pero aniya, hindi pa rin maiiwasan na may mga fans na maglalapitan sa kanya kapag nakilala na siya habang nagmo-malling. “Yung dalawa ko pong kapatid, sila po ‘yung nagsisilbing poste kapag ganu’n na po. So, pinapa-gitnaan po nila ako.

Minsan po, naka-cap ako kasi mahirap din. Siyempre, limited na lang po yung time na dudumugin ka ng tao. “Kasi na-experience ko na po na pag may isang lumapit, yung iba lalapit na rin hanggang sa maging malaking grupo na yun,” kuwento pa ng ka-loveteam ni James Reid sa Primetime Bida series na On The Wings Of Love sa ABS-CBN.

Sa nakaraang media day na ibinigay ng Dreamscape Entertainment sa members ng entertainment press para sa success ng OTWOL, natanong muli si Nadine tungkol sa “kamukha” niyang si Kathryn Bernardo na itinuturing na kakumpetensiya niya sa ABS-CBN.

Sey ni Nadine, muli silang nagkita ni Kath sa kick-off anniversary show ng It’s Showtime sa Araneta Coliseum ilang linggo na ang nakararaan. Sey ni Nadine, “Opo. Okey naman po. Kasi sa amin naman po, wala namang isyu. Nag-uusap naman po kami.

“Noong nagkasama kami sa Showtime anniversary, ang pinag-usapan lang namin about the production number, ganyan. Actually, yun lang po ang pinag-usapan namin, kasi medyo kulang na sa oras at sasalang na kami,” chika ng dalaga.

Payag ba siyang magkasama sila ni Kathryn sa isang project? “Opo. Okey naman po,” tugon niya.
Tanong naman ng isang reporter kung textmates na sila ngayon ni Kathryn? “No naman po. Nag-uusap pero hindi pa naman ganoong le-vel.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending