Cesar miss na miss na ang 3 anak; kampo ni Sunshine ayaw makipag-cooperate sa kaso | Bandera

Cesar miss na miss na ang 3 anak; kampo ni Sunshine ayaw makipag-cooperate sa kaso

Ervin Santiago |October 14,2015
facebook
share this

Cesar miss na miss na ang 3 anak; kampo ni Sunshine ayaw makipag-cooperate sa kaso

Ervin Santiago - October 14, 2015 - 02:00 AM

cesar montano

MISS na miss na ni Cesar Montano ang kanyang mga anak na nasa pa-ngangalaga pa rin ng kanyang estranged wife na si Sunshine Cruz. Matagal-tagal na ring hindi nakikita o nakakausap man lang ni Buboy ang tatlo niyang anak.

Sa presscon ng Metro Manila Film Festival entry ni Cesar kasama ang Japanese porn star na si Maria Ozawa, ang suspense-horror-action na “Nilalang” nu’ng Lunes ng gabi, inamin nitong nang dahil sa kasong physical abuse at hiwalay na rekla-mong paglabag sa R.A. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children (VAWC) Act na isinampa ni Sunshine laban sa kanya ay mukhang matatagalan pa bago niya makita o makausap man lang ang kanyang tres marias.

“Well, now, wala pa talaga akong masabi du’n (makitang muli ang mga anak) kasi isinama ng dati kong asawa yung pangalan ng tatlong anak ko sa case namin. And it’s inside the circle of gag order kaya wala ako masabi.

Although I hate the idea, wala akong magagawa,” aniya na biglang lumungkot ang mukha nang mabuksan nga ang nasabin kaso. Disappointed din si Buboy dahil hindi raw nakikipag-ugnayan sa kanya ang kampo ni Sunshine sa kabila ng kasunduan nila noon sa korte, “Hindi nakikipag-cooperate sila, which is actually against the law.

Kasama yun sa agreement namin pero hindi nila ginagawa.”Dagdag ni Buboy, ginagawa niya ang lahat para mag-reach out sa kanyang nakahiwalay na misis sa kabila ng kumplikadong sitwasyon ng kanilang pamilya.

“Yes, as a father, I have to. I have no choice. Because ever since na ipinanganak sila, lumaki sila, it has been my passion,” paliwanag pa nito. Buti na nga lang daw at medyo busy siya ngayon kaya kahit paano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan at pa-ngungulila sa kanyang mga anak.

Bukod daw sa pagpipinta at paglalaro ng golf, ay maswerte pa siyang nabigyan ng entry sa MMFF, ito ngang “Nilalang” na pagbibidahan sana ni Robin Padilla ngunit dahil sa nangyari sa baby nila ni Mariel Rodriguez ay nagdesisyon itong umatras na lang sa proyekto.

Muling tinuran ni Cesar na hindi talaga maiiwasan na mangulila siya sa kanyang mga anak, “But if you’re going to ask me sa part na yun, kung masaya ako, I’m not. I miss them more than my life.”

Ngumiti lang si Buboy nang tanungin kung nami-miss din ba niya si Sunshine. Pero aniya, positibo pa rin siya na magiging maayos din ang lahat para na rin sa kapakanan ng kanyang tatlong anak.

Sinabi rin ni Cesar na mas naging malapit pa siya sa Diyos nang dahil sa nangyari sa kanila ni Sunshine.

Samantala, wala namang isyu kay Cesar kung second choice lang siya sa filmfest entry na “Nilalang” kung saan makakasama nga niya ang pinagnanasahan ng mga kalalakihan na si Maria Ozawa.

Ang mahalaga raw, siya ang naisip ng direktor nitong si Pedring Lopez at ng mga producer na ipalit kay Binoe. Ang “Nilalang” ay kuwento ng isang NBI agent na si Tony (Cesar), ang naatasang resolbahin ang nagaganap na serye ng panggagahasa at pagpatay sa bansa.

Sa kanilang pag-iimbestiga, makikilala niya si Miyuki (Maria Ozawa), ang childhood sweetheart niya na anak ni Mr. Kazudo, miyembro ng isang kilabot na Yakuza na siyang tutulong sa kanya para masugpo ang sindikatong kanilang hinahanap.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Pedring Lopez, na siya ring writer nito, maaksiyon, madugo at sexy ang pelikula. Pero target nilang makakuha ng MTRCB PG-13 rating ang movie para mas maraming makapanood nito sa darating na December filmfest.

Pero plano ng mga producer ng pelikula (WeLovePost, Haunted Tower Pictures, Paralux Studios at Viva Films) na magkaroon ito ng director’s cut pagkatapos ng MMFF para bigyan ng chance ang mga manonood na ma-experience ang kabuuan ng pelikula nang walang putol.

Ibinalita rin ni direk Pedring na grabe ang mga ginawang eksena nina Cesar at Maria sa pelikula, lalo na ang maaaksiyon at madudugong fight scenes, idagdag pa ang maiinit na tagpo sa pagitan ng dalawang bida na tiyak ikasisiya ng mga kalalakihan.

Ayon sa direktor, game na game sina Buboy at Maria sa kanilang mga halikan at love scene kaya lumabas itong artistic at makatotohanan.

Wala rin daw arte si Maria sa kanyang mga stunts, talagang hindi raw ito nagpa-double sa kanyang mga delikadong eksena kahit na nga nagkandapasa-pasa na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya nga saludo si Cesar at ang buong production sa pagiging professional ng Japanese sexy actress dahil pinadali nito ang kanilang mga trabaho.

Makakasama rin sa “Nilalang” sina Meg Imperial, Yam Concepcion, Pocholo Barretto, Kiko Matos at Dido dela Paz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending