James Reid, Nadine Lustre patindi nang patindi ang halikan; walang hiya-hiya | Bandera

James Reid, Nadine Lustre patindi nang patindi ang halikan; walang hiya-hiya

Alex Brosas |October 14,2015
facebook
share this

James Reid, Nadine Lustre patindi nang patindi ang halikan; walang hiya-hiya

Alex Brosas - October 14, 2015 - 02:00 AM

james reid

The seemingly endless query kung bakit hindi pa sila nagkaka-develop-an ang isa sa mga tanong na sinagot nina James Reid and Nadine Lustre for the #OTWOLMediaDay last Monday.

“Hindi naman po… mahirap. Choice lang namin. And friends lang talaga kami. Just until there,” James said. “Tingnan po natin. Pero sa ngayon po kasi, talagang naka-focus po kami sa work.

At talagang nagwo-work siya ngayon, ayaw po naming maging complicated. Kasi, what if magkaroon po kami ng away or something, siyempre mahirapan po magtrabaho pagka meron pong ganu’n,” esplika naman ni Nadine.

The two were also asked if boyfriend and girlfriend material ang bawa’t isa? “Oo naman,” came James’s instant reply, adding, “Si Nadine, maalaga. She’s always asking me what to eat.

She’s always asking me if I’m okay, something like that. She’s very maalaga.” “Opo, kasi ako naman po, hindi naman depressed, pero very emotional po kasi ako in real life po.

Hindi lang po as Leah, pero most of the time, parang tahimik lang po ako, ganyan. Pero siya lang po ‘yung nagpapatawa sa akin, ‘yung mga jokes po niya at pagmi-make faces niya.

Gusto ko po kasi ‘yung palaging nagpapatawa sa akin,” say naman ni Nadine. Phenomenal ang success ng On The Wings of Love na first soap nina Nadine at James. Soldout kaagad ang scrapbook nila at naka-3.7 million page views ang kanilang soap sa iWantTV last month.

Actually, marami talaga ang kinikilig sa tambalang JaDine. Halos lahat ng entertainment media ay nanonood ng On the Wings of Love na isa sa pinakamagandang soap sa bansa ngayon.

Not only does it teach good values, ipinapakita rin sa soap kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng mga OFWs. Of late, paseksihan na ang labanan ni James at ng kontrabida sa serye na si Albie Casino.

Abs kung abs talaga ang kanilang fight. May K naman ang dalawa dahil pareho silang maganda ang katawan. Napansin din ng marami na tumutodo na ang kissing scenes nina James at Nadine.

Ang daming kinilig sa kanilang halikan.This week, mas matinding kilig pa ang mararamdaman ng viewers now that they’re in Manila. Nakakataw ang mga eksena ni James kay Joel Torre. Nakakaloka ang mga bitaw ng dayalog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending