CBCP award ng AlDub at ng Eat Bulaga, isang malakas na sampal sa Showtime | Bandera

CBCP award ng AlDub at ng Eat Bulaga, isang malakas na sampal sa Showtime

Cristy Fermin |October 13,2015
facebook
share this

CBCP award ng AlDub at ng Eat Bulaga, isang malakas na sampal sa Showtime

Cristy Fermin - October 13, 2015 - 08:45 PM

yaya dub

Isang malaking sampal sa katapat nilang programa sa pananghalian ang mga parangal na tinanggap nu’ng isang araw ng Eat Bulaga, TAPE, Inc., at nina Alden Richards, Maine Mendoza at Wally Bayola.

Habang kinakalampag ng isang samahan ng mga kababaihan ang It’s Showtime ay ginawaran naman ng parangal ng CBCP sa kanilang unang Catholic Social Media ang pagpapahalaga ng kalyeserye sa kabutihang-asal.

Ayon sa CBCP ay nagsilbing huwarang modelo sa mga kabataan ang kabuuan ng kalyeserye, binibigyan nila ng importansiya ang kaugaliang Pilipino na dapat pa ring pinaiiral at pinahahalagahan ng mga kabataan ngayon, pinuri ng CBCP ang mga litanyang binibitiwan ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kinahihibangang palabas ngayon ng ating mga kababayan.

Napakalaking puntos nu’n para sa TAPE, Inc., patunay ‘yun na makabuluhan at hindi mababaw lang ang kalyeserye at ang kilig na ibinibigay ng nangungunang loveteam ngayon nina Alden Richards at Yaya Dub, napakasarap na premyo ang kanilang tinanggap mula sa kung tutuusi’y konserbatibo pa ngang grupo.

Sa kanyang pagtanggap sa parangal ng CBCP ay umalingawngaw ang mga sigawan at tilian nang magsalita na si Maine Mendoza. Ganu’n siya katindi. Bubuka pa lang ang kanyang bibig ay hindi na magkamayaw ang mga tao sa auditorium.

Puwedeng angkinin ni Yaya Dub ang entablado. Panahon niya ngayon. Walang puwedeng kumuwestiyon sa tagumpay. Panahon ngayon ng AlDub sa ayaw at sa gusto ng iba diyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending