Ella Cruz naaksidente habang nagpapraktis para sa 'COC' ng Showtime | Bandera

Ella Cruz naaksidente habang nagpapraktis para sa ‘COC’ ng Showtime

Ervin Santiago |October 10,2015
facebook
share this

Ella Cruz naaksidente habang nagpapraktis para sa ‘COC’ ng Showtime

Ervin Santiago - October 10, 2015 - 04:16 PM

ella cruz

NAAKSIDENTE ang Kapamilya teen star na si Ella Cruz habang nasa rehearsal ng gagawin sana niyang production number sa It’s Showtime kanina.

 “Akala ko po ‘yun na yung katapusan ko or katapusan ng career ko,” ang sabi ni Ella sa kanyang Instagram account matapos ang aksidente. Hindi na nakasali ang dalaga sa kauna-unahang grand finals ng “Clash of Celebrities” segment ng Showtime kanina. Nag-sorry din ang aktres-dancer sa kanyang fans sa hindi niya pagsipot sa noontime show ng Dos, “Nagrehearsal na ako nung Wednesday para sa mga gagawin kong stunts,” paliwanag ni Ella. Dagdag pa nito, “Pero may aksidente po na nangyari habang ginagawa naman ‘yung isang stunt. At akala ko po yun na ang katapusan ako. …Pero nagpasalamat ako kay God dahil binigyan Niya pa ako ng pagkakataon.” Sey pa ng dalaga, hindi pa rin niya naigagalaw nang maayos ang kanyang katawan pero aniya unti-unti nang bumubuti ang kanyang kundisyon. Kailangan pa raw niya ng tatlong araw na pahinga para tuluyang gumaling. “Salamat sa lahat ng nagaabang sa akin …Pero some things are not meant to happen. Ganun talaga,” mensahe pa ni Ella sa kanyang mga tagasuporta.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending