Makakatapos ba ng pag-aaral? | Bandera

Makakatapos ba ng pag-aaral?

Joseph Greenfield |October 10,2015
facebook
share this

Makakatapos ba ng pag-aaral?

Joseph Greenfield - October 10, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Carol Barangay Granada, Bacolod City
Dear Sir Greenfield,

Sa ngayon ay second year na ako sa kursong Accountancy. Ang problema bumaba ang mga grades ko, kaya nalungkot ako at parang tinamad na akong mag-aral kasi hindi ko ini-expect na bababa ang mga exam ko. Iniisip kong mag-shift na lang ng ibang kurso o maghinto na lang ng pag-aaral at magta-trabaho na lang ako. Tama ba ang desisyon kong ito? Kung magshi-shift ako anong kursong bagay sa akin na siguradong matatapos ko? Kung mag hahanap naman ako ng trabaho mapapasok kaya ako agad kahit under gradueyt ako. Ano ba ang mangyayari sa buhay ko sa future makakatapos kaya ako ng pag-aaral? May 6, 1995 ang birthday ko.
Umaasa,
Carol ng Bacolod City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at straight ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1..) sa iyong palad na sinamahan pa ng isang guhit at ito ang Guhit ng Matino at Mabuting Lalaki (2-2 arrow 2.). Ibig sabihin, anumang krisis o mga problema ang dumating sa iyong buhay sa career at edukasyon, malulusutan mong lahat iyan, basta patuloy ka lang manaig at magtiwala sa iyong kakayahan at sa tulong din ng isang lalaki.

Cartomancy:
Six of Hearts, King of Clubs at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking magiging boyfriend mo, magkakaroon ka ng inspirasyon kaya lalo kang gaganahang mag-aral. Ang lalaking magiging BF mo ay ka-klase mo rin na magkakahulugan ang inyong loob ngayong Oktbre hanggang Nobyembre.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending