Gusto nang magkaboyfriend (2) | Bandera

Gusto nang magkaboyfriend (2)

Joseph Greenfield |October 09,2015
facebook
share this

Gusto nang magkaboyfriend (2)

Joseph Greenfield - October 09, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Laarnie ng San Pedro, Alegria, Surigao del Norte
Problema:
1. Magtu-25-years-old na ako sa darating na November 7 pero until now hindi pa rin ako nakakaranas magkaroon ng boyfriend. May mga manliligaw naman ako, kaya lang ay hindi ko sila masyadong gusto at iyong iba naman na gusto ko sana, hindi naman seryosong nanliligaw.
2. Sa totoo lang kung minsan ay hindi maiwasang mainggit ako sa mga kaibigan ko na may kanya-kanyang nobyo habang ako naman until now ay loveless pa rin. Ito ang dahilan, Sir Greenfield, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend. Sana bago sumapit ang Christmas ngayong 2015 ay magka-boyfriend na rin ako para maging masaya naman ang Pasko ko.
Umaasa,
Laarnie ng Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ay nagsasabing isang lalaking Taurus o kaya’y Cancer ang makakarelasyon mo. Tulad nang nasabi na sa Cartomancy, ang masaya at romantiko ninyong relasyon ay kusa at unti-unti na ngang mabubuo sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Nobyembre sa taon ding ito.

Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing namang ang makakarelasyon mong lalaki ay isinilang sa petsang 4, 13, 22, o kaya ay 31. Isang magara at romantikong pag-ibig ang mabubuo sa inyong dalawa na sa bandang huli ay mauuwi na rin sa isang matimyas at matibay na pagsusuyuan.
Luscher Color Test:
Sa inyong pagkikita ng nasabing lalaki, ikaw ay nakausot ng kulay na pink habang siya naman kung hindi naka-white ay naka-green na damit. Iyon ang palatandaang compatible kayo at magiging maligaya ang bubuuin ninyong relasyon.

Huling payo at paalala:
Laarnie, ayon sa iyong kapalaran, sa taon ding ito ay darating ang hinihintay mong lalaki na magiging seryoso at totohanan mong boyfriend. Itatala sa iyong buhay-pag-ibig ang buwan ng Nobyembre bilang pinakamasayang buwan sa iyong kapalaran. Habang lumalapit na nang lumalapit ang kapaskuhan ay isang lalaking nagtataglay ng initial na J. C. ang iyong makikilala, magiging boyfriend at, sa bandang huli, ay tuluyan mong makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabangbuhay ng pag-aasawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending