Horoscope, October 09, 2015 | Bandera

Horoscope, October 09, 2015

Madam Sophia |October 09,2015
facebook
share this

Horoscope, October 09, 2015

Madam Sophia - October 09, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang celebration ng birthday sa pagsusuot ng kulay na pula at pagsisimba. Laging humingi ng tulong sa Maykapal upang pagpapalain at magtatagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay lalong-lalo na sa pag-ibig at pagpapamilya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Bukod sa pula, buenas din ang asul.
Aries – (Marso 21-April 19)—Upang mas mabilis na suwertehin, maglagay ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng pisngi. Ang nasabing nunal ang hihigop ng dagdag na suwerte. Sa pag-ibig, dahil sa nasabing nunal ay higit kang mas magiging kaakit-akit. Mapalad ang 4, 17, 34, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Maiiwasan ang pagkakasakit kung laging iinom ng maraming tubig. Kalakal na may kaugnayan din sa tubig at pagkain ang magpapaunlad sa iyo. Sa pag-ibig, tandaan na ang regular na romansa ay nagpapalakas ng immune system. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kung magpapagawa ng bahay, gumamit ng materyales na stainless, salamin at aluminum. Ang nasabing mga materyales ang magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte sa larangan ng pananalapi at pag-ibig. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yophiel-Babalam-Nema-Om.” Bukod sa silver, ang white ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag masyadong magpaalipin sa kasuyo! Gusto mo bang lagi ka na lang ina-under? Ang pagiging malaya ang magdadala sa tagumpay. Sa pinansyal, iwasan ang masyadong mapagbigay, alalahanin mong nauubos din ang pera. Mapalad ang 4, 11, 20, 29, 33, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Rama-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Ngumiti kang lagi at maging masaya upang lalo pang suwertehin at maging maligaya. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipagrelasyon sa isang Aries. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Konsentrasyon ang dapat! Ang mga Virgo kasi ay kung ano-ano ang ginagawa at iniisip. Ngunit kapag nag-concentrate sa dalawang bagay lang, pera at seryosong pag-ibig, uunlad ka at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad ang 2, 11, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”
Libra – (September 23-October 23)— Kung pagyaman ang layunin ay okay lang kung medyo chubby at mataba ka. Karamihan sa mga yumayaman ay nagiging mataba habang ang mga payat na Libra ay malabong yumaman. Sa pag-ibig, mas masarap ding kayakap ang malaman at makatas kaysa sa payat. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaan-Nama-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Bakit hindi ka lumiligaya? Isip-bata ka pa kasi! Makakamit ang maturity kung maluwag sa loob na tatanggaping ang anumang bagay na nawawala at lumilipas ay hindi na muling magbabalik. Lumutin na ang mga kabiguang nagdaan at magpanibagong-buhay ka na ngayon. Mapalad ang 1, 9, 18, 24, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag pansinin ang mga negatibong pangyayari. Ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan ang kasuyo na maging mukhang salapi upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag intindihin ang sinasabi ng iba, tama ang nasa isip mo. Sa bandang huli, ikaw pa rin ang dapat na magpasya –buhay mo ‘yan! Sa pinansyal, “kanya-kanya ng diskarte ‘yan, walang basagan ng trip.” Mapalad ang 8, 17, 26, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi dapat magtiis, kaya mong baguhin ang buhay mo sa ngayon sa isang idlap lang. Mangibang- bayan ka! Sa paga-abroad ay higit na uunlad ang karanasan. Sa ibayong dagat matatagpuan mo rin ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Gold at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag kang magpapagod. Sa pinansyal, ituloy ang paggising nang maaga upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas masarap ang romansa kung sa umaga gagawin. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending