Ilang staff ng Wowowin ni Willie sa GMA 7 mawawalan ng trabaho | Bandera

Ilang staff ng Wowowin ni Willie sa GMA 7 mawawalan ng trabaho

Julie Bonifacio - October 09, 2015 - 03:00 AM

WILLIE REVILLAME INQUIRER

WILLIE REVILLAME INQUIRER

MASAYA na malungkot si Willie Revillame nu’ng banggitin niya ang technical staff sa taping ng Wowowin noong makapanood kami two weeks ago. Isa sa mga maaapektuhan kasi ng bagong pagpapatakbo ng show ang technical people ng programa.

Gaya ng lumabas na balita, pumayag na si Willie na makipag-collaborate sa production ng show with GMA 7. Pero noong huling taping pa lang ay maugong na ang usap-usapan sa studio ng Wowowin ang mga pagbabagong magaganap. At habang nagho-host si Willie ng isa sa mga segments ng show, binanggit na niya sa audience na makikipag-co-production na sila sa GMA.

Dahil kahati na ni Willie sa gastos ng show ang GMA, isa sa mga unang magaganap ay ang pagpapalit ulit ng studio ng Wowowin. Sa studio na raw sila magti-taping and since may sa-riling technical staff ang GMA kaya sila na rin ang gagalaw sa show.

This maybe the reason kung bakit after the taping ay nagpiktyuran ang technical staff ng Wowowin kasama ang production team ng show. Mala-king kabawasan nga naman sa production cost ng Wowowin ang studio na nirerentahan ni Willie at sweldo ng technical staff. Napakalaki raw kasi talaga ng bayad sa renta ni Willie sa studio nila sa may Kalayaan.

Laking panghihinayang naman ng ibang staff ang laki ng ginastos na naman ni Willie sa pagpapagawa ng studio sa Kalayaan na inabot ng ilang milyon. Matatandaan na ilang milyong piso rin ang ginastos ni Willie sa pagpapaayos ng studio ng Wowowillie sa Delta Theater nu’ng nasa TV5 pa siya.

Umaasa naman ang mga taong nagmamalasakit kay Willie na hindi pababayaan ng GMA 7 ang Wowowin at ma-sustain ang patuloy na pagbulusok sa ratings ng kanyang programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending