Kris kay James: Bigyan naman sana niya ng panahon si Bimb! | Bandera

Kris kay James: Bigyan naman sana niya ng panahon si Bimb!

Ervin Santiago |October 07,2015
facebook
share this

Kris kay James: Bigyan naman sana niya ng panahon si Bimb!

Ervin Santiago - October 07, 2015 - 02:00 AM

james yap

MULING pinasaringan ni Kris Aquino ang kanyang ex-husband na si James Yap dahil sa kawalan ng effort nito na makasama ang anak nilang si Bimby.

Sa naganap na “Instagram party” kamakailan sa mismong IG account ni Kris na may hasgtag na #BondingWithKris kung saan binigyan ng pagkakataon ng TV host-actress ang kanyang followers na magtanong sa kanya, na-ging mainit na topic ang tungkol sa kanila ni James.

Isang fan ni Tetay ang naglakas-loob na magtanong kung magkaibigan pa rin ba sila ni James, wala raw kasi silang masyadong nababalitaan tungkol sa PBA player at kay Bimby? Totoo raw ba na magkagalit sila ngayon?

May mga nababasa kasi ka-ming komento sa social media na wala nang ginawa si James kundi ang makipag-date at mag-travel kasama ang dyowang si Michela Cazzola kaya halos wala na siyang oras na makipag-bonding sa kanyang anak tulad ng ginagawa nito noon, matapos silang magkasundo ni Kris.

Ayon sa Queen of All Media, “He doesn’t make an effort for Bimb so parang useless to be friendly. It takes 2 & I’ve done my share, turn naman nya to be a father who makes time. Sa pagka loving ni Bimb di mahirap yun.”

Ibig sabihin, matagal na ring hindi nakakasama ni James ang kanyang anak? Totoo nga kaya na puro na lang ang Italian girlfriend nito ang kanyang inaasikaso at pinagtutuunan ng atensiyon at nakakalimutan na ang kanyang obligasyon bilang ama kay Bimby?

Isa namang IG follower ni Kris ang nagtanong kung ano nga ba ang hinahanap ng kanyang puso ngayon? Ang tugon ng TV host, “A secure & lasting relationship- my sons need a father figure who will star for keeps.”

Sa tanong naman kung gusto pa niyang mabuntis at magkaanak uli para maging kuya si Bimb, narito ang maikli niyang sagot, “I’m too old na, and the 2 don’t want to adopt.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending