Sino ang mas yummy, James o Daniel? | Bandera

Sino ang mas yummy, James o Daniel?

Jobert Sucaldito |October 07,2015
facebook
share this

Sino ang mas yummy, James o Daniel?

Jobert Sucaldito - October 07, 2015 - 02:00 AM

james reid

DALAWANG sikat na male stars natin ang pinagsasabong ng netizens lately – sino raw ba ang mas yummy ngayon, si Daniel Padilla nga ba or si James Reid?

Between the two, mas naguguwapuhan ako kay Daniel at gusto ko ang color ng skin niya – yung morenong makinis na bagay na bagay sa kaniyang facial features. He is every girl’s delight kaya kita niyo naman kung gaano kalakas ang hatak niya sa masa.

Very wholesome talaga ang image – parang nu’ng panahon ni late Alfie Anido na super-guwapo though mas sweet ang dating ni Daniel compared to Alfie before na very quiet pero ang lakas ng dating.

Kung pagka-yummy naman ang pag-uusapan, milya-milya naman ang lamang ng sex appeal ni James Reid kay Daniel. Sa katulad kong gay, mas preferred kong iuwi si James sa bahay kaysa kay Daniel.

Ha-hahaha! Kaelyahan talaga ang peg, di ba?  Kasi nga, very daring si James and very sexy. Kaya tuwing nagtatanggal siya ng shirt niya at naglalabas ng pandesal (six or eight-pack-abs) niya, hasus! Nagwa-water-water ang lahat ng kabadingan and women alike.

Kasi nga, super lakas ng dating. And iba naman ang hatak niya – pang-AB crowd siya while Daniel is pang CD. In short, magkaiba sila ng hatak though many say na sobrang lakas ng hatak nga-yon ni James compared to Daniel dahil mas favored ang TV series nitong On The Wings Of Love more than Daniel’s Pangako Sa ‘Yo. True?

Kasi hindi ako nakakapanood ng TV lately dahil busy-busy-han sa kalandian ang lola ninyo. Ha-hahaha! Iba raw kasi ang texture ng show ni Daniel – mas napapanahon kaysa sa remake ng PSY.

Well, napansin ko nga na parang lumalamlam ang showbiz career ni Daniel nang very light lang naman. Si James nga ang parang nakakaungos. Mukhang may kulang kay Daniel lately – probably a show na talagang magmamarka ang presence niya.

Itong On The Wings Of Love kasi ay puwedeng ariin ni James while PSY is just a remake nung dating super-sikat na serye owned up by Jericho Rosales before.

Baka ganoon ang nangyari kaya mas malakas ang naging marka nito kay James more than Daniel. Malaking factor actually iyon unless magpakitang-gilas si Daniel. Pero how? Kailangan ba niyang magtanggal na rin ng shirt at maglabas ng konting abs?

Puwede? A repackaging of some sort kumbaga. Hindi man totally makipagsabayan sa paseksihan kay James pero pampa-mature lang nang konti. Ganoon na lang muna, puwede? Huwag niyo lang paghubarin nang todo si Daniel at baka himatayin kaming lahat – sa TUWA! Ha-hahaha! Patay tayo diyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending