PSY supporters dedma sa lakas ng ulan, sumugod sa #ThankYouKapamilya | Bandera

PSY supporters dedma sa lakas ng ulan, sumugod sa #ThankYouKapamilya

|October 06,2015
facebook
share this

PSY supporters dedma sa lakas ng ulan, sumugod sa #ThankYouKapamilya

- October 06, 2015 - 02:22 PM

DEDMA sa malakas na ulan ang sandamakmak na tagasuporta ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo na sumugod sa ginanap na thanksgiving show ng ABS-CBN sa Biñan, Laguna.
Tagumpay ang #ThankYouKapamilya ng PSY sa Alonte Sports Arena Carpark sa Binan sa kabila nga ng biglang pagbagsak ng ulan last Sunday. Bukod kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nakisaya rin sa event ang iba pang members ng cast, kabilang na sina JK Labajo, Andrea Brillantes, Grae Fernandez, Vivieka Vivieka, Pamu Pamorada, Sarah Carlos, Jan Marini, Dominique Roque at Diego Loyzaga.
At siyempre, pwede bang mawala ang isa pang loveteam na kinakikiligan ng Kapamila viewers? Hiyawan din ang audience nang lumabas sa stage sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion, na gumaganap bilang sina Amor Powers at Eduardo Buenavista. Hindi magkamayaw ang mga tao sa venue nang mag-duet sila. Pero mas naging wild ang mga tao nang halikan ni Ian si Jodi.
Sa interview kay Ian inamin nitong magkahalong kaligayahan, kaba at hiya ang naramdaman niya habang kumakanta sila ni Jodi.
“Natatawa na nahihiya kasi I guess because of my age. Feeling ko alaskado ako kay Kath at kay DJ so ‘yun, pero nakakatuwa, nakaka-flatter kapag nagugustuhan ng mga tao ‘yung mga scenes namin kapag napapanood, maganda ‘yung feedback,” pahayag ni Ian.
Hindi rin makapaniwala si Jodi sa pagtanggap sa kanila ng mga taga-Laguna, “Nakakatuwang malaman kung ganoon kasi syempre iba rin ‘yung effort at ‘yung heart na binibigay namin sa trabaho namin at para magustuhan nila ‘yung tandem namin ni Ian, syempre nakakataba ng puso.”
At siyempre, pinatunayan muli nina Kathryn at Daniel na sila pa rin ang Teen King & Queen dahil halos magkagulo na ang mga fans nang mag-duet na sila on stage. Binigyan din nila ng chance ang kanilang supporters na magtanong sa kanila.
Isang KathNiel fan naman ang maswerteng nakapag-uwi ng long-sleeved polo na suot ni Daniel sa nasabing mall show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending