Male celebrity iwas-casino para sa mas mataas na ambisyon | Bandera

Male celebrity iwas-casino para sa mas mataas na ambisyon

Cristy Fermin |October 06,2015
facebook
share this

Male celebrity iwas-casino para sa mas mataas na ambisyon

Cristy Fermin - October 06, 2015 - 01:39 PM

DAHIL sa pagtirador sa mas mataas niyang pangarap ay maraming pagbabagong nagaganap ngayon sa takbo ng buhay ng isang male personality.
Napakalaki ng kanyang ipinagbago ayon na rin sa mga taong nakapalibot sa kanya ngayon.
Kung dati’y may pinagkakaabalahang “gawain” ang lalaking personalidad, ngayon ay pilit na niyang iniiwasan ‘yun, dahil sa kanyang matayog na pangarap.
Kuwento ng aming source, “Dati kasi, e, marami siyang sinasayang na pera at panahon. Palagi siyang nakikita sa casino, wala siyang pakialam sa oras at sa image niya, sugal siya nang sugal.
“Nagdedenay pa nga siya, di ba, hindi raw naman niya pera ang ipinangtataya niya, datung daw ‘yun ng kaibigan niyang foreigners, siya lang daw ang pinauupo para maglaro.
“E, sino naman ang maniniwala sa mga pinagsasasabi niya? Kung sino ang nakaupo, ‘yun ang naglalaro, ganu’n lang kasimple ‘yun, ‘no!
“Palabasin bang hindi naman sa kanya ang perang ipinangsusugal niya? Tantanan nga niya tayo, maghunos-dili nga siya sa mga pinagsasasabi niya!” naiinis na kuwento ng aming impormante.
Pero nga-yon kuno ay iwas na iwas na ang male personality sa kanyang dating gawain, wala na siyang mga kaibigang foreigners kuno ngayon, hindi na siya naglalaro.
“Dahil ‘yun sa mataas niyang pangarap. May inaasinta kasi siyang dream ngayon na alam niyang hindi matutupad kung patuloy pa rin siyang magbibisyo.
“Nagbago na nga kaya siya o nagbago lang siya ng lugar na pinaglalaruan? Chos! Pangaralan mo siya, Bradly Guevarra, huwag na kamo siyang bumalik pa sa pinanggalingan niya!” maasim na komento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending