Sandamakmak na dabarkads tiniis ang init sa labas ng studio para sa AlDub | Bandera

Sandamakmak na dabarkads tiniis ang init sa labas ng studio para sa AlDub

Cristy Fermin |October 05,2015
facebook
share this

Sandamakmak na dabarkads tiniis ang init sa labas ng studio para sa AlDub

Cristy Fermin - October 05, 2015 - 02:00 AM

maine mendoza

Napakasaya ng Eat Bulaga nu’ng Sabado. Grabe ang mga fans ng noontime show, nagtiis sila sa arawan at pag-ambon sa labas ng studio, makasama lang ang kanilang mga idolo.

At siyempre’y hindi nagpa-kabog ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza, madaling-araw pa lang ay nasa Broadway na ang tropa, bumantay sila nang ganu’n kaaga para lang makapasok sa Broadway studio.

Parang reunion ang nangyari, winelkam nila sa studio ang mga bumibida sa kalyeserye, ang AlDub, sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), pero wala si Lola Tidora (Paolo Ballesteros).

Malakas talaga ang panghatak ng AlDub dahil may dadaluhang party ang pamilya ng mga kaibigan namin, lunch ang imbitasyon, pero merienda na nang magpuntahan sila.

“Siyempre, kailangan muna naming tapusin ang Eat Bulaga, mahirap na, baka hindi kami maka-relate sa mga kuwentuhan! Ayun, baligtad na ang mundo ngayon nina Alden at Yaya Dub, si Alden na ang makakasama ni Lola Nidora at nasa Broadway naman si Yaya Dub,” tawa nang tawang kuwento ng kaibigan naming si Liza.

Kahit ang mga hosts ng noontime show ay halatang aliw na aliw sa AlDub. Napakainit ng pagtanggap nila kay Yaya Dub, nag-selfie-selfie pa sila kasama ang sikat na tambalan, isang napakasayang pamilya ang nasaksihan ng manonood nu’ng nakaraang Sabado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending