Miles Ocampo walang bonggang debut party | Bandera

Miles Ocampo walang bonggang debut party

Julie Bonifacio |October 04,2015
facebook
share this

Miles Ocampo walang bonggang debut party

Julie Bonifacio - October 04, 2015 - 02:00 AM

miles ocampo

Nakasabay namin sa pagpapa-byuti sa Faces & Curves clinic ni Dr. Jay Recasate sa Greenhills ang Kapamilya teen star na si Miles Ocampo. Isa rin pala si Miles sa mahigit na 50 celebrity endorsers ng beauty clinic.

Mahaba-haba rin ang naging kwentuhan namin bago siya sumalang sa private room for treatment. Una naming naitanong kay Miles ang tungkol sa kalabtim niyang si Marco Gumabao.

To our surprise, hindi na pala si Marco ang magiging kalabtim niya sa kanyang next project. Naisip siguro ng management na hindi umuusad ang career ni Miles with her kalabtim kaya mage-experiment muna ng ibang ipi-pair sa kanya.

Ganoon naman talaga kapag hindi kayo nag-click, ita-try naman sa iba. Ganyan ang nangyari noon kay Enrique Gil na ipinareha Kapamilya teen stars at isa na doon si Kathyrn Bernardo.

Pero sinuwerte talaga ng husto si Enrique noong ipareha sa kanya ang baguhang si Liza Soberano. Nagustuhan ng televiewers ang loveteam nila kaya bumongga ang career ni Enrique.

Ine-next in line na yata si Miles after ni Kathryn na susubukang i-launch as a major star ng Kapamilya network. Kasama si Miles sa bagong serye nila na You’re My Home nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Halos hindi naman nagkakalayo ang edad ni Kathyrn at Miles. At mas bata naman kay Miles si Julia Barretto. But unlike Julia na nagkaroon ng bonggang debut party, nag-celebrate na lang daw siya ng kanyang 18th birthday through a family trip sa ibang bansa.

“Late na kasi noong gusto ng Star Magic na bigyan ako ng party. Masyado nang mara-rush ang lahat kaya hindi na lang ako nagpa-party,” ngiti ni Miles.

Anyway, speaking of Kathryn, tikom naman ang bibig ni Miles ng hingan namin siya ng reaksyon sa “pang-iisnab” ni kalabtim ni Daniel Padilla sa kanilang “tatay-tatayan” noon sa Goin Bulilit na si Edgar Mortiz sa Star Magic Ball. Mabuti na nga ‘yon kesa i-bash siya ng Kathniel fans, ’di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending