Horoscope, October 04, 2015 | Bandera

Horoscope, October 04, 2015

Madam Sophia |October 04,2015
facebook
share this

Horoscope, October 04, 2015

Madam Sophia - October 04, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Suwerte ang kulay na yellow at red! Yan dalawang kulay na iyan ang isuot mo ngayon at siguradong darami ang iyong pera at magkakaroon ka ng masarap na karanasan sa larangan ng pag-ibig at romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ananda-Magra.” Bukod sa red ang yellow ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Malapit na ang Pasko! Hindi mo ba naaalala, noong nakaraang taon, kapag malapit na ang pasko sinusuwerte ka? Babalik ng siksik-liglig ang dating suwerte, – maraming salapi at masarap na romansa ang matitikaman. Mahiwaga mong mantra: 3, 9, 18, 28, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manu-Om-Namo.” Red at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Gabi-gabi basahin ang Unang Salmo sa Lumang Tipan sa Biblia, – ‘yan ang magsisilbing orasyon mo sa loob ng apat na buwan. Makikita mo, kapag nagawa mo ‘yan, – uunlad, yayaman at magiging maligaya ka. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 46 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Bilisan ang pagkilos, malapit ng mag-Pasko! Walang duda, ang salapi ang nagpapasaya sa maraming tao sa panahon ng Kapaskuhan. Dahil dito ngayon palad pag-ipunan na ang paparating na kapaskuhan upang maging maligaya ang pamilya. Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Ang pagluha ang magbibigay ng suwerte. Kaya anuman ang iyong problema iluha o i-iyak mo lang, kusa ng mawawala ‘yan. Kapag naman luha ng kaligayahan ang tumulo sa mata, asahan mong mas marami pang suwerte ang kusang darating. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 44 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Red at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Wag ng magisip ng mamahaling regalo sa Pasko, ang makasama ang kasuyo sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal, ipunin ang malaking halaga ng salapi na matatanggap ngayong Holiday Season at gamiting pang-negosyo sa susunod na taong 2016. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Lilac at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Matutong lumingon sa pinanggalingan! Mamayang hapon, i-blow-out ang mga taong tumulong sa iyo upang makamit ang tagumpay. Mamayang gabi uwian ang kasuyo ng pasalubong – bagay na malambot, masarap, matamis at bilog. Mapalad ang 3, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Gawin mo ang ganitong self-examination ngayon: “Five years from now, ano ang gusto kong maging status ng aking buhay sa aspetong pang-pinansyal?” Isulat sa notebook, ang sagot! Makikita mo, after 6 years, kusang matutupad ang iyong isinulat. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 40 at 49. “Sargos-Sha-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – “Halik” ang lulunas sa kalungkutan. Pagdating ng bahay, bigyan ng matamis na halik sa labi ang kasuyo. Kung wala kang kasuyo, bigyan ng mahigpit na yakap at halik ang mga anak o ang inyong mga magulang. Sa emotional therapy nabanggit, mapapanatag na ang iyong kalooban at pagkapos maraming suwerte ang kusang makakamtan. Mapalad ang 7, 9, 25, 20, 29 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Ang karamdaman ay dala lamang ng pabago-bagong panahon! Kusa ka ring gagaling basta’t patuloy na naging positibo ang laman ng isipan. Sa pinansyal, konting tiipid naman upang wag agad maubos ang pera at ng makaipon naman kahit na papaano. Mapalad ang 4, 13, 23, 28, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Kung may magagandang biyayang natatanggap, dapat lagi kang magpasalamat! Sa ganyang paraan, lalo kang gagantimpalaan ni Lord. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo na madali mong nauuto. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Magenta at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Panahon na upang simulan ang unang chapter ng libro na gusto mong sulatin. Magandang magsulat ng libro, dahil kung hindi ka man nagtagumpay sa pag-ibig, sa book na iyong susulatin maraming bagay ang kusang matutupad at maari pang maging best-selling book ang iyong aklat. Mapalad ang 7, 16, 25, 35, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Orange at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – “Hard road to glory” ang lagi mong isiping pormula upang magtagumpay! Magsikap na mabuti upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, konting tiis na lang, malapit ka ng lumigaya. Mapalad ang 2, 6, 12, 30, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Jawala.” Magenta at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending