Heart, Chiz tinupad ang b-day wish ng kambal na anak | Bandera

Heart, Chiz tinupad ang b-day wish ng kambal na anak

Ervin Santiago |September 13,2015
facebook
share this

Heart, Chiz tinupad ang b-day wish ng kambal na anak

Ervin Santiago - September 13, 2015 - 02:00 AM

chiz escudero

Labis ang kasiyahan ng anak ni Sen. Chiz Escudero na si Quino nang kaniyang ma-meet ang idol na si Stephen Curry nang bumisita ang reigning NBA MVP sa bansa kamakailan.

Tinupad ng senador ang birthday wish ng anak na makita ang sikat na shooting guard ng NBA champion Golden State Warriors.

Sa tulong ng ilang kaibigan ni Chiz, tagumpay si Quino na makamayan at makapagpa-picture sa kaniyang idol na kaniyang inabangan sa isang hotel sa Makati.

Samantala, nag-date naman ang senador at ang kakambal ni Quino na si Chesi sa isang restaurant sa Quezon City. Nag-post pa si Chiz ng picture nila ng unica hija sa Twitter.

Hindi naman nagpahuli ang maybahay ng senador na si Heart Evangelista sa pagbati sa kambal na tinawag pa niyang “my bulilits” sa isang post sa Instagram sa mismong kaarawan ng kambal noong Sept. 7.

Nag-post si Heart ng picture nilang apat na magkaka-holding hands habang nagtatampisaw sa beach na may caption na: “Happy birthday to my 2 bulilits.”

Nagpasalamat naman si Chiz sa Twitter sa lahat ng nakaalala at bumati sa kaniyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending