Kailan makakatagpo ng tapat na BF? | Bandera

Kailan makakatagpo ng tapat na BF?

Joseph Greenfield |September 04,2015
facebook
share this

Kailan makakatagpo ng tapat na BF?

Joseph Greenfield - September 04, 2015 - 07:44 PM

Sulat mula kay Darling ng Luyuan Pasonanca, 

Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay 25 years old na sa darating na September 13. Nagtataka lang ako sa kapalaran ko kung bakit lagi akong bigo sa buhay, lalo na sa pag-ibig. Marami na akong naging boyfriend pero wala namang nagtagal? At ngayong malapit na birthday ko ay wala pa rin akong boyfriend. Nais ko pong malaman kung kailan ako muling magkaka-boyfriend at kung sakaling magka-boyfriend na uli ako, hindi kaya ako mabibigo at luluha uli? At kahit kaya may nakaraan na ako, pakakasalan pa rin kaya ako ng magiging boyfriend ko? Kailan kaya ako susuwertehin sa pag-ibig at makakatagpo ng tapat na boyfriend na panghabang buhay na akong mamahalin? September 13, 1990 ang birthday ko.

Umaasa,
Darling ng  Zambonga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos na mabiyak at magkaroon ng maliit na bilog ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, kapansin-pansing sa gitna at dulong bahagi ng Heart Line ito ay tuluyang nabuo, at luminaw at gumanda rin naman (arrow 2.). Ibig sabihin, sa kalagitnaang bahagi ng i- yong edad ay kusa nang gaganda ang iyong kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Cartomancy:
King of Clubs, Ace of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ding ito ng Setyembre ay matutupad ang iyong kahilingan. Pagkatapos na pagkatapos ng iyong kaarwan, isang lalaking halos ka- sing edad mo rin ang darating. Mamahalin ka na niya nang tapat at lubusan hanggang sa bandang huli ay kayo na nga ang magkakatuluyan.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending