Aktor nakarma, unti-unting nawalan ng career | Bandera

Aktor nakarma, unti-unting nawalan ng career

Cristy Fermin |September 03,2015
facebook
share this

Aktor nakarma, unti-unting nawalan ng career

Cristy Fermin - September 03, 2015 - 08:49 PM

MADALAS nang umuuwi ngayon sa kanilang probinsiyang malapit lang sa Maynila ang isang aktor. Hinihila na siya palagi ng kanyang mga paa pauwi ngayon dahil wala na siyang masyadong pinagkakaabalahan.
‘Yun ang palaging katwiran nu’n ng aktor kapag tinatanong siya kung bakit halos hindi na siya umuuwi sa kanilang bayan, napaka-busy raw kasi naman niya, wala na siyang oras na bumiyahe.
Pero iba naman ang paniniwala ng kanyang mga kababayan, lalo na ng kanyang mga kaklase, lumaki ang ulo ng aktor nang makalusot siya sa pagiging artista.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng una siyang magkaroon ng sasakyan na second hand lang, akala mo na siya kung sino kapag dumadalaw siya sa bayan nila.
“Todo siyang magpatakbo, halos ariin na niya ang kalye, humaharurot talaga siya at walang pakialam sa dinadaanan niya. Lumobo ang ulo ni ____ (pangalan ng aktor), sa aminin niya’y sa hindi.
“Lumaki ang ulo niya, hindi na halos niya kilala ang mga dati niyang kaeskuwela, kaya ngayong madalas na siyang umuwi, hindi siya pinakikiharapan ng mga dating kaibigan niya.
“Ano ba naman ang maipagmamalaki niya, e, ni hindi nga siya nagbida kahit minsan sa mga seryeng nilabasan niya?
“Palagi lang siyang se- cond o third lead, napa- patay pa siyang madalas, ipagmalaki ba ‘yun?” inis na inis na kuwento ng aming impormante.
Hindi na nakapagtataka ang kuwento dahil kahit nga ang discoverer niya ay hindi naman tinanawan ng utang na loob ng mayabang na aktor. Nilayasan niya ang kanyang mana- ger.
Balik-komento ng a- ming source, “Alam mo ba, Bradly Guevarra, nagsunog pa naman ng kilay ang manager niya sa kahahanap ng screen name na gagamitin niya nu’n!
“Ang ending, kinuha niya ang surname ng paborito niyang female international singer, saka niya idinugtong ang name ng isang dating sexy star na alaga niya,” pagbibigay ng clue ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending