Nasawi sa pamamaril sa White Plains nadagdagan | Bandera

Nasawi sa pamamaril sa White Plains nadagdagan

Leifbilly Begas |September 03,2015
facebook
share this

Nasawi sa pamamaril sa White Plains nadagdagan

Leifbilly Begas - September 03, 2015 - 02:56 PM

Binawian na rin ng buhay ang isa sa mga sugatan sa pamamaril ng anak ng dating heneral sa Quezon City.
Namatay si Ronybert Ycot kahapon ng umaga habang ginagamot sa The Medical City sanhi ng tama ng bala sa likod.
Gagawin namang double murder case ang reklamong kakaharapin ni Jose Maria Abaya, anak ni dating Philippine Constabulary general Antonio Abaya.
Si Ycot ang driver ng puting van ng pagbabarilin ito ni Abaya sa Katipunan Ave., Extn., Brgy. White Plains alas-7 ng gabi noong Martes.
Agad na binawian ng buhay sa pamamaril si Joyce Santos, 41, na tinamaan ng bala sa ulo.
Namaril si Abaya matapos na pagkamalan na huhuliin siya ng mga tao sa loob ng van at ibabalik sa rehabilitation center.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nakapatay si Abaya. Napatay umano nito ang guwardya ng rehabilitation center habang tumatakas noong 2012.white plains

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending