Alden umabot na sa 1-M ang followers sa Twitter | Bandera

Alden umabot na sa 1-M ang followers sa Twitter

Ervin Santiago |September 03,2015
facebook
share this

Alden umabot na sa 1-M ang followers sa Twitter

Ervin Santiago - September 03, 2015 - 02:00 AM


anne curtis

Sa pagsisimula ng “Ber” month na hudyat din ng pagsisimula ng pinakamahabang Christmas season sa buong mundo, binigyan agad ng napakagandang regalo si Alden Richards.

Noong Sept. 1, umabot na sa 1 million ang followers ng Pambansang Bae sa Twitter (@aldenrichards02). Ilang celebrities lang ang may mahigit na isang milyong followers at isa na nga riyan si Alden.

Isa na itong malaking achievement para sa Kapuso actor kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang mga tagasuporta.

“Never kong in-expect na magkakaroon ako ng ganun karaming followers,” pahayag ng binata nang makapanayam ng press sa isang event.

Dagdag pa niya, “Happy na nga ako na maraming nagpa-follow sa social media ko, e, pero it’s all thanks to everyone.”

Sa nabasa naming report, nito lang nakalipas na isang buwan ay mabilis na nadagdagan ng 415,653 ang followers ni Alden sa Twitter, samantalang ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza o Yaya Dub ay nadagdagan ng 581,569 followers sa Twitter (@mainedcm).

Ang tambalang AlDub din ang nanguna sa listahan ng “fastest-growing celebrities profiles in Philippines” nitong nakalipas na Agosto base sa data na inilabas ng socialbakers.com.

Samantala, ang noontime show ng GMA 7 na at Bulaga kung saan napapanood araw-araw ang kalyeserye ng AlDub ay mabilis namang nadagdagan ng 217,739 followers nito lamang nakaraang buwan.

Ngunit malaking numero pa ang kailangan ni Alden para makalapit man lang sa tinaguriang Top 10 most followed Filipino celebrities sa Twitter na kinabibilangan nina Anne Curtis (8 million), Angel Locsin (6.4 million), Vice Ganda (5.6 million), Kathryn Bernardo (4.9 million), Angelica Panganiban (4.7 million), Yeng Constantino (4.6 million), KC Concepcion (4.3 million), Bianca Gonzalez (4.3 million), Luis Manzano (4.2 million) at Daniel Padilla (4.1 million).

Pero naniniwala kami na very soon ay matatapatan na rin nina Alden at Yaya Dub ang nasa Top 10 ng most followers Pinoy celebrities dahil araw-araw ay daan-daang followers ang nadagdag sa Twitter at Instagram accounts ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending