Deadly silver cleaner bawal na ibenta sa QC | Bandera

Deadly silver cleaner bawal na ibenta sa QC

Leifbilly Begas |September 02,2015
facebook
share this

Deadly silver cleaner bawal na ibenta sa QC

Leifbilly Begas - September 02, 2015 - 01:39 PM

silver cleaner

silver cleaner


Inaprubahan ng Quezon City Council ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga silver jewelry cleaner na may halong cyanide at iba pang mapanganib na sangkap.
Agad namang pinuri ng EcoWaste Coalition, isang environmental group, ang hakbang ng Quezon City na una umanong lungsod na nakapagpasa ng naturang ordinansa.
“The ordinance will help in preventing cyanide poisoning from the accidental and deliberate intake of this deadly potion that has killed so many people, including young children who mistook it for water and adults who drank it on purpose,” ani Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste.
Ang silver cleaner ay isa sa mga pangunahing kemikal na ginagamit sa pagpapakamatay sa bansa. Ika-6 ito sa 10 kemikal na nakalason sa mga isinugod sa Philippine General Hospital noong 2014.
Sa Setyembre 9-13 ay ipagdiriwang ang National Suicide Prevention Week at sa Setyembre 10 ang World Suicide Prevention Day.
Noong Martes inaprubahan ng City Council ang Ordinance CC19-311 na akda ni Councilor Dorothy Delarmente.
Sa ilalim ng ordinansa, ang magbebenta ng ipinagbabawal na silver cleaner ay magmumulta ng hindi bababa sa P5,000 at kulong na isa hanggang tatlong buwan.
Kung rehistrado ang negosyo na nahuling nagbenta nito, kakanselahin ang kanyang business permit sa siyudad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending