Sarah G. umaming naapektuhan sa pagkatalo ng 2 ‘anak’ sa Voice Kids | Bandera

Sarah G. umaming naapektuhan sa pagkatalo ng 2 ‘anak’ sa Voice Kids

Julie Bonifacio |September 02,2015
facebook
share this

Sarah G. umaming naapektuhan sa pagkatalo ng 2 ‘anak’ sa Voice Kids

Julie Bonifacio - September 02, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo
LUMIPAD papuntang New York, USA ang Broadway Diva na si Lea Salonga right after ng grand finals ng The Voice Kids kung saan isa siya sa mga coach last Monday. Balik-Broadway si Lea at next year na siya ulit mapapanood sa The Voice for the blind auditions.

“Alis na ako tomorrow for New York and I’ll have this entire season. Ibabaon ko, masarap na baon ‘to habang ako’y matagal na mawawala,” lahad ni Lea referring to TVK.

Nakausap namin si Lea sa red carpet ng The Voice Kids na ginanap sa Resorts World Manila bago ang live telecast nito sa ABS-CBN last Sunday. Si Lea ang coach ng dalawa sa grand finalists na sina Esang ng Tondo at si Reynan na taga-Bukidnon.

Sad to say, si Elha Nympha mula sa Camp Kawayan ni Bamboo ang tinanghal na grand champion. Bukod kay Elha, isa pa mula sa team ng Rock Icon ang pumasok sa grand finals and that’s none other than Sassa na taga-Pampanga.

Natalo man ang mga panlaban ni Lea sa grand finals, super proud daw siya dahil sa mga nagawang pagkanta nila and their journey in the show has just been very, very inspiring.

“So, kahit ano’ng mangyari, uhm, tanggapin natin kasi ‘yun ang batayan ng mga…ng sambayanan na bumoboto. Huwag mag-alala dahil eto na ang umpisa ng mga singing career ninyo ngayong gabi. This is where it begins,” ani Lea.

Nagbigay din ng paunang mensahe si Lea para sa tatanghaling grand champion sa The Voice Kids season 2, “To whoe- ver wins, congratulations to you. You absolutely deserved it. Ah, enjoy the rest of the whirlwind ride.”

Tinanong din namin si Lea kung matutuloy pa ba ang movie nila ni Aga Muhlach under Star Cinema, “When I’m back for good na,” sabi ni Lea. “Kung kailan man ‘yun. I mean, I get back, and then, I think there’s some waiting time. I need, rest talaga for couple of years.”

Bumata naman ng ilang taon ang mukha ni Lea with her new hairstyle. Usually sa showbiz kapag nagpapagupit ang mga babaeng artista, may kasunod na agad na isyu na merong pinagdadaanan sa personal nilang buhay.

“Wala,” mabilis na tanggi ni Lea. “No emotional, nothing. I just wanted a change. I wanted convenience. I want that when I got up in the morning I can run up the door and my hair will be good. It’s just fun.”

Sinabi naman sa amin ng isa pang coach sa The Voice, ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, na kalmado na raw ang kanyang Popsters pagkatapos mag-trending sa social media ang ‘di pagpasok isa man sa pambato ng Team Sarah.

Hindi na rin daw nagsabi sa Popster na kahit wala silang “manok” sa grand finals ay may particular contestant sila na susuportahan, “Hindi kami nag-usap.

Bahala sila kung sino sa tingin nila ang pinaka-deser- ving na manalo,” sey ni Sarah. Inamin naman ni Sarah na malungkot siya dahil walang pumasok sa grand finals sa kanyang team, “Pero ganoon talaga.

Nangyayari talaga ‘yun. At ang ano ko lang is manalo kung sino talaga ang pinaka-deser- ving.”
Pero may personal bet si Sarah that night.

Kaya lang ‘di naman ni-reveal kung sino ang kanyang bet. Sa pagkakabokya ng Team Sarah this season sa The Voice Kids, marami raw siyang learnings na nakuha.

But she’s thankful na rin na naging bahagi pa rin siya ng season 2. Kaya nagpapasalamat siya sa The Voice family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Opppsss, parang may gusto yatang ipahiwatig si Sarah, huh! Iiwan na ba niya ang The Voice?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending