Horoscope, September 1, 2015 | Bandera

Horoscope, September 1, 2015

Madam Sophia |September 01,2015
facebook
share this

Horoscope, September 1, 2015

Madam Sophia - September 01, 2015 - 02:22 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa unang araw na ito ng Setyembre maraming suwerte ang darating wag itong sayangin! Upang lalo pang umunlad ituon ang isipan sa iisang gawain lamang. Sa pag-ibig, walang mabuting idudulot ang pabago-bago ng isip – puso ang panaigin! Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Aum-Sandhapa.” Yellow at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Unang araw ngayon ng buwan, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Sa pinansyal, ngayon palang pag handaan na ang kapaskuhan, unti-unti ng mag-ipon ng mga pang-regalo. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Violet at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag masyadong abusuhin ang katawan, aanhin mo ang maraming salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, mas magiging masigla ang aksyon kung bago magniig hihigop muna ng mainit na sabaw. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Blue at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Alalahanin mong malungkot ang pasko kapag kapos ang pera! Ngayon palang unti-unti ng pagipunan ng budget ang mga gastusin sa Disyembre. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano nyo na ng iyong kasuyo ang isang simple, pero masayang pagdriwang ng kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Om.” Green at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ang ugaling masyadong malihim ay hindi makapagdudulot ng ligaya. Ilantad ang tunay na sarili sa kasuyo upang lalo kang mapamahal sa kanya. Sa pinansyal, sa buwang ito ng Setyembre makakabayad ka na sa mga pagkakautang. Mapalad ang 2, 7, 27, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan. Ikaw na ang umako sa pagkakamali ng iba. Sa pag-ibig, hayaan mong mag-reklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang paligid. Kapag maraming kalat, masisikipang pumasok ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, wag ng katulungin ang kasuyo sa paglilinis, lalo lang magugulo ang yong mga gamit – pabilin na lang siya ng meryenda! Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Pera na naman ang problema! Hindi dapat mabahala, bukas lang darating na ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, magpasalamat sa kasuyong galante. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. “Aum-Gayatri-Om.” Lilac at old rose ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Hindi masama kung pagtataguan mo muna siya. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo, upang hindi ka nya masisi. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, sa sandaling nawasak ang pa- milya, sa bandang huli ikaw rin ang masasaktan. Kaya nga mas mabuting makuntento sa kasalukuyan, kaysa maghanap pa ng kung ano-anong luho na hindi naman kayang ibigay ng kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Niva-Om-Araanam.” Blue at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—May makakasangga kana sa malaking gastusing kinakaharap. Isang uto-utong Cancer ang magaabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating kabuhayan!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Dahil sa pagiging malapit sa mga nakakataas marami tuloy na naiingit sa iyo. Hindi nila alam, likas ka lang na friendly. Ituloy ang pagsipsip kay boss, upang madagdagan ang bonus sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, maganda ang iyong ngiti kaya marami ka na namang mabobola. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Ketu-Om.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—May kakaharapin na namang malaking suliraning may kaugnayan sa salapi. Dating gawi at dating solusyon ang muling sisilid sa isipan: “Sino kaya ang mauutangan?” Sa pag-ibig, obligahin ang kasuyo na magbigay ng saktong budget tuwing akinse at katapusan. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending