Kris hinigpitan ng mga doktor, inutusang um-absent muna sa Kris TV at A&A tonight | Bandera

Kris hinigpitan ng mga doktor, inutusang um-absent muna sa Kris TV at A&A tonight

Reggee Bonoan |September 01,2015
facebook
share this

Kris hinigpitan ng mga doktor, inutusang um-absent muna sa Kris TV at A&A tonight

Reggee Bonoan - September 01, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Hinigpitan na si Kris Aquino dahil alas diyes ng gabi ang cut-off niya sa lahat ng kanyang commitments kasama na ang shooting ng “Etiquette For Mistresses” at kailangang 12 ng madaling-araw ay tulog na siya.

Closely-monitored na si Kris ng mga kapatid niya at doktor dahil nga sa pabalik-balik nitong sakit at strict diet daw siya nga- yon. At maging sa pag-inom nito ng gamot ay talagang bantay-sarado rin na kadalasan ay nalilimutang inumin ng TV host-actress.

Masunurin ngayon si Kris dahil hindi siya aktibo ngayon sa social media at madalas ding patay ang cellphone niya para raw makapagpahinga siya.

Sinabihan si Kris ng doktor na dalawang linggong magpahinga pero nakiusap siyang kailangan niyang tapusin ang pelikula nila nina Kim Chiu, Cheena Crab, Iza Calzado at Claudine Barretto mula sa direksyon ni Chito Roño for Star Cinema na showing na ngayong Setyembre.

Kaya siguro binigyan na lang siya ng cut-off time. One at a time ang bilin sa Queen of All Media pagdating sa trabaho kaya naman on leave siya sa Aquino And Abunda Tonight.

Kinailangan na ring mag-replay ng Kris TV dahil wala na silang nakabangko na bagong episodes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending