Ka-compatible ba ang BF? | Bandera

Ka-compatible ba ang BF?

Joseph Greenfield |August 31,2015
facebook
share this

Ka-compatible ba ang BF?

Joseph Greenfield - August 31, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Shirley ng San Francisco, Panabo, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Itatanong ko lang kung compatible ba ang zodiac sign na Capricorn at Virgo. May boyfriend ako sa ngayon na isinilang noong January 10, 1989 siya ay isang Capricorn habang ako naman po ay isang Virgo na isinilang noong September 16, 1990. Tugma ba kami kasi nag-aaya na siyang magpakasal? Ang katwiran niya ay may stable job naman daw siya at isa pa ay tumatanda na daw siya sa edad niyang 26 at mag-25 naman ako sa darating na September. Dagdag dito, madalas din na may nangyayari na sa amin. Sa inyong palagay, kami na ba ang magkaka- tuluyan at kung magkaka- tuluyan kami magiging maligaya kaya ang bubuuin naming pamilya?
Umaasa,
Shirley ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Tanda na posibleng isang beses ka lang magkaroon ng totohanan, seryoso ang pangmatagalang relasyon. Maaaring ito ngang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan na mauwi sa isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Seven of Hearts, King of Clubs, at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing magkakaroon ng napakahalagang pangyayari sa buhay mo sa taong 2017 na may kaugnayan sa career at pag-ibig. Sa panahong ito, sa edad mong 26 pataas, ay maaari kang makapag-asawa at lalo pang gaganda ang iyong trabaho.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending