Horoscope, August 31, 2015 | Bandera

Horoscope, August 31, 2015

Madam Sophia |August 31,2015
facebook
share this

Horoscope, August 31, 2015

Madam Sophia - August 31, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sa iyo. Sa mga kaibigan manggagaling ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, pinagnanasaan ka ng isang payat na kayumanggi. Mapalad ang 4, 7, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhar-Masya-Om.” Green at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Matutuklasan mo ang pagkakaiba ng mga bigo at tagumpay. Ang mga bigo ay kuntento na habang ang mga tagumpay ay patuloy na naghahangad. Tularan mo ang huli, anuman ang mapasayo ay kailangang doblehin at paramihin mo pa. Mapalad ang 1, 18, 27, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Susuwertehin ka kung hahawiin ang buhok na nakalugay sa harapan ng iyong noo. Kailangang mailantad ang buong hugis ng iyong mukha upang mas madaling maakit ang magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 9, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum” Pink at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kung ano ang nagagawa nila, isipin mong kaya mo rin itong gawin. Kung sila ay yumaman, yayaman ka rin. Kung sila ay may maligayang pamilya, magagawa mo rin. Tiwala lang sa sarili ang dapat. Tuwing gabi hanggang sa makatulugan ay bigkasin ang mahiwagang mantra: “Kaya ko ‘to, yayaman din ako.” Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Blue at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Mawawala ang pangamba kung laging sasama sa isang Capricorn o Scorpio. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, isang Capricorn ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Veda-Aum-Puranha.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Mapapawi ang mga suliranin habang patuloy sa pagsikat ang araw. Sa pag-ibig, muling iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Sa pinansyal, makakatagpo ka ng solusyon sa matagal mo nang problema habang nagbibilad sa sikat ng araw bukas ng umaga. Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Orange at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May mang-aabala na naman. Tatawagin ka sa isang pagtitipong politikal. Puwede kang sumama dahil sa nasabing meeting ay maaari kang magkapera. Sa pag-ibig, sa iyong pagbabalik ay uwian ang kasuyo ng pansit canton. Mapalad ang 7, 14, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mamu-Om.” Green at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag maliitin ang iyong sariling kakayahan. Sa pag-ibig, ipakitang mas mahusay kang magpaligaya kaysa sa iba. Sa pinansyal, hindi sapat ang maliit na bayad, maningil ka nang mas malaking halaga upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung hindi ka makautang sa mga akala mo’y totoong kaibigan, mas mainam pang pagkasyahin na lang ang iyong budget. Kailangan mong magtipid upang hindi ka na uli magmukhang kaawa-awa. Darating ang panahong uunlad ka at sila naman ang magmamakaawa sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mararamdaman mong minamaliit ka na naman ng mga kasamahan mong ubod ng yabang. Pagpasensyahan mo na sila, darating ang araw angat ka rin, mapapahiya ang lahat ng sa iyo’y nang-aapi. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag kang masyadong tumutok sa trabaho, i-enjoy mo naman ang buhay. Gawin ang isang bagay na matagal mo nang binabalak, gawin na alam mong magpapaligaya sa iyo. Tandaan mong “ang lahat ay lilipas din.” Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Babanam-Ke-Balam.” White at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hangal! Hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Panahon na ngayon upang mag-move on. Bagong karelasyon ang dapat. Sa negosyo, bagong kalakal ang kailangang simulan upang mas mabilis kang umunlad at yumaman. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Green at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Isang matandang babae na mahaba ang buhok ang dapat tulungan. Kapag nagawa mo ‘yan, magugulat ka kahit hindi mo gusto, susuwertehin ka sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig at pagkakaperahan. Mapalad ang 7, 9, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending