Nakulam nga ba? (2) | Bandera

Nakulam nga ba? (2)

Joseph Greenfield |August 30,2015
facebook
share this

Nakulam nga ba? (2)

Joseph Greenfield - August 30, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay David ng Savana, Bucana, Davao City
Problema:
1. Naniniwala po ba kayo sa kulam? Kasi po yong misis ko mula ng magkasakit sa tiyan ay pabalik-balik na po yon at hindi gumagaling gayong marami na kaming doctor na napuntahan at ng pinatingnan ko sa isang albularyo ang sabi ay baka daw nakulam ang misis ko. Kaya kailangan daw palayasin ang mangkukulam na iyon na nananakit sa misis ko. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ng albularyo kaya madalas kaming mag-away ng misis ko kasi siya paniwalang-paniwala sa albularyo.
2. Ano po ba ang dapat kong gawin sundin ko na lang ang sinasabi ng albularyo para matahimik na lang misis ko o muli ko siyang patingnan sa doktor? Sa palagay nyo totoo kayang nakulam ang misis ko at paano kaya siya gagaling ng husto? At saka baka may alam kayong orasyon sa kulam na maipagkakaloob sa amin. April 28, 1979 ang birthday ng misis ko.
Umaasa,
David ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Taurus (Illustration 2.) ng iyong misis ay nagsasabing ipasyal mo lang siya sa siyudad o sa masasayang lugar, makikita mo kusa ding mawawala ang iniindang panakit ng kanyang tiyan. At puwede din namang bigyan mo siya ng malaking intrega makikita mo, kusa uling babalik ang malusog niyang pangangatawan.
Numerology:
Samantala ang birth date na 28 ng misis mo ay nagsasabing siyam na sunud-sunod na gabi mong tapalan ng dahon ng pito-pito ang tiyan ng iyong misis, habang binibigkas ang orasyong “EGOTE-VAUME-LAIBAUMI-IBSA-SEPINAMARUTIC-AMEN-AUM-AUM” na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo, makikita mo kusa ng mawawalan ang pananakit ng kanyang tiyan.
Huling payo at paalala:
David bukod sa nasabing orasyon at paraang tinuran na sa itaas, ang krusipiyo na walang tao ay isa ring mabisa na panlaban sa kulam. Pagsuutin mo nito ang
iyong misis at habang sinusuot niya ang nasabing krusipiyo bigkasin ang orasyong: “Verbena, Hastata, Viam Monstra, Hasta Verbena Amen”. Kapag nagawa iyan ng misis mo, makikita mo, nakulam man siya o hindi, dagli mawawala ang pananakit ng kanyang tiyan na akala mong siya ay nagdahilan lamang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending