John Arcilla bilang Heneral Luna: Nakaka-relate ako sa ugali niya! | Bandera

John Arcilla bilang Heneral Luna: Nakaka-relate ako sa ugali niya!

Ervin Santiago |August 29,2015
facebook
share this

John Arcilla bilang Heneral Luna: Nakaka-relate ako sa ugali niya!

Ervin Santiago - August 29, 2015 - 02:00 AM

john arcilla

Speaking of the movie “Heneral Luna” directed by Jerrold Tarog, iti- nuturing na biggest role ever ni John Arcilla ang gumanap bilang si General Antonio Luna.

Kamakailan ay nagkaroon ito ng world premiere sa Asian American International Film Festival sa New York City at mapapanood na sa lahat ng sinehan sa Pilipinas sa Sept. 9.

Ayon kay John, “Bago dumating sa akin ang project na ito ay madami na akong nagampanan na role na hero ng ating bansa. ‘Yung era sa akin ay very familiar na.

Then siguro ‘yung backbone ay iba kaysa sa isang fiction na character. Kasi sa isang fiction character madaling pagkasunduan ng writer, director and the actor.

“Kapag ito ay isang totoong icon, mayroon kang kino-consider na mga accounts, may negative, may positive which I really have to embrace all,” sey ng magaling na aktor.

Sa isang TV interview, sinabi pa ng aktor na, “Nakaka-relate ako sa temper niya. Kasi ‘yung family namin may pagka-tough love din eh, ganoon mostly ang Pinoy. Mabilis siyang magalit.

“Pero naisip ko nu’ng ginagawa ko na siya, na-discover ko na hindi lahat ito ay uncontrollable, ‘yung iba ay calculated. Kasi halimbawa kailangan niyang ipakita kung paano maging isang matatag na sundalo kasi very immediate ang war at huge ang enemy,” aniya pa.

Makakasama rin sa “Heneral Luna” sina Epy Quizon (as Apolinario Mabini), Arron Villaflor (young journalist), Joem Bascon, Paulo Avelino (as Gregorio del Pilar), Mylene Dizon, Leo Martinez (Pedro Paterno), Mon Confiado (Emilio Aguinaldo), Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Bing Pimentel at marami pang iba. Ito’y sa ilalim ng Artikulo Uno Productions.

Bilib na bilib si John sa lahat ng mga nakasama niya sa pelikula dahil, “Yung dedication nila, ‘yung energy nila sobrang ang tataas.

‘Yung kailangan nilang magpuyat, lumipat sa show pagkatapos ng kanilang taping. Kitang-kita mo ‘yung dedication.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro dahil ang daming artista ngayon they really have to prove something. Ngayon mas maraming gustong maging artista so they really have to prove na ito ang dedication ko at kaya kong gawin ito.

Hindi lang importante na maganda ako at gwapo, nakikita ko ‘yon sa kanila,” aniya pa sa nasabing panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending