Arron malaki ang utang na loob kay Albert | Bandera

Arron malaki ang utang na loob kay Albert

Julie Bonifacio |August 29,2015
facebook
share this

Arron malaki ang utang na loob kay Albert

Julie Bonifacio - August 29, 2015 - 02:00 AM

arron villaflor

IMPRESSIVE ang trailer ng bagong teleserye na magsisilbing comeback vehicle ng mahusay na aktor na si JM de Guzman sa Kapamilya network, ang All Of Me.

Kasama ni JM dito ang award-winning actor din na si Albert Martinez at ang promising young actor na si Arron Villaflor.

Una na- ming nalaman ang tungkol sa All of Me through Arron nu’ng maintebryu namin siya before his birthday noong July. Excited na ikinuwento sa amin ng binata ang ilang detalye sa serye at doon pa lang we find the story very interesting.

May pagka-magical pa nga ang kwento sa amin ni Arron dahil sa kakaibang tema ng serye nila nina JM at Albert. Nu’ng una pa lang daw napanood ng mga bossing sa ABS-CBN ang ilang eksena na nakunan na nila, sobrang nagandahan daw ang mga ‘to at agad na hinanapan ng timeslot para maipalabas agad.

This is the se- cond time na makakasama niya si Albert. Una silang nagsama bilang mag-ama sa Juan dela Cruz ni Coco Martin.

Ang dami raw itinuro sa kanya noon ni Albert tungkol sa pag-arte at hanggang sa set ng All of Me lagi pa rin siyang binibigyan ng advice ng veteran actor.

Kaya naman itinuring na ni Arron na isa sa mga mentors niya sa showbiz si Albert. Ang All Of Me ay dagdag sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN, ito ang romantic drama teleserye na hahamon sa oras para sa pangalawang pagkakataon sa pag-ibig na magsisimula na sa Lunes.

Iikot ang kwento nito kay Manuel (Albert), isang 50-year-old na doktor na hahamunin ang oras para lamang ipaglaban ang kanyang pangalawang pagkakataon sa pag-ibig nang bumalik siya sa kanyang pagiging binata (na gagampanan naman ni JM).

Bukod kina JM, Albert at Arron, makakasama rin sa All Of Me ang rising young actress na si Yen Santos na gaganap sa kanyang unang daring role bilang love interest nina Albert at JM.

Susundan ng teleserye ang buhay ni Manuel na iniwan ang pagiging doktor para manirahan sa isang isla matapos mamatay ang kanyang asawa (Ina Raymundo).

Sa isla niya makikilala si Lena (Yen), isang dalagang muling magbibigay kulay sa kanyang buhay na mauuwi sa matamis na pag-iibigan.

Ngunit sa gabi ng kanilang honeymoon sa isla, isang kriminal ang maghihiganti kay Manuel at pagtatangkaan ang kanyang buhay, pero matatakasan niya ang kamatayan at mapapadpad sa isang magic portal na magiging tulay sa pagbabalik binata niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Fast forward: babalik si JM bilang si Manuel sa kasalukuyang panahon matapos pagbigyan ng diwatang nanga- ngalaga sa pinanggalingang isla at dito na niya matutuklasan na tumakbo na ang mahabang panahon at haharap na siya sa bagong hamon ng kanyang buhay – ang maghiganti at muling paibigin si Lena na isang maybahay na ng kanyang protégé na si Dr. Henry Nieves (Arron).

Mula sa direksyon ni Dondon Santos, tampok din sa All of Me sina Angel Aquino, Neri Naig, Ana Capri, Micah Munoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez at Akira Morishita. Mapapanood na ito sa Lunes pagka- tapos ng It’s Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending