Neri Naig nakunan sa unang baby nila ni Chito Miranda | Bandera

Neri Naig nakunan sa unang baby nila ni Chito Miranda

Ervin Santiago |August 27,2015
facebook
share this

Neri Naig nakunan sa unang baby nila ni Chito Miranda

Ervin Santiago - August 27, 2015 - 02:00 AM

neri naig

Nakunan din pala ang Kapamilya actress na si Neri Naig sa panganay sanang anak nila ni Chito Miranda. Ayon sa report ng ABS-CBN, kinumpirma ni Neri na nalaglag nga ang first baby nila ng Parokya Ni Edgar vocalist.

Aniya sa nasabing panayam, “Well, I lost my baby two months ago.” Hindi na nagdetalye pa ang aktres tungkol sa nangyari sa kanya at sa baby nila ng kanyang asawa.

Kung matatandaan, excited na ibinalita ng mag-asawa sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram account noong May na magkakaroon na sila ng baby.

Ipinost pa ni Chito ang litrato ng resulta ng pregnancy test ni Neri. Sinundan naman ito ng post ni Neri ng isang picture ng first ultrasound image ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Pareho pang nilagyan ng mag-asawa ng “#BabyMiranda” ang kani-kanilang post. Samantala, mapapanood muli si Neri sa bagong serye ng ABS-CBN na All Of Me na pinagbibidahan nina Yen Santos, Albert Martinez at JM de Guzman.

Ayon sa aktres, exci- ted na siya sa pagsisimula nito sa darating na Lunes matapos ding mapanood ang pilot week nito sa ginanap na celebrity screening noong Lunes.

“Ang ganda kasi nito. Binigay sa akin (tapos) comedy ang atake ng role. Sabi ko, okay habang ano galing kasi ako sa bakasyon,” ani Neri.

Mas lalo pa raw na-excite ang aktres nang malaman niya kung sinu-sino ang makakasama sa serye, “Kasi usually kasi tintanggap ko ‘yung nasa umpisa lang.

Gusto ko magi-enjoy ako. Ayoko ‘yung medyo mabigat medyo nagi-enjoy ako sa bahay, ng pagiging housewife. Nu’ng una kong tinanong kung sino yung staff ay okay gusto ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending