Trillanes binalikan ni Binay | Bandera

Trillanes binalikan ni Binay

Leifbilly Begas |August 26,2015
facebook
share this

Trillanes binalikan ni Binay

Leifbilly Begas - August 26, 2015 - 07:22 PM

abi
Binalikan ng anak ni Vice President Jejomar Binay si Sen. Antonio Trillanes na muling nag-akusa sa kanila kahapon. Ayon kay Makati Rep. Abigail Binay muling nakita ang “tatak Trillanes: akusa muna at sirain ang tao, saka na ang ebidensya.”
“Katulad nang dati, pinakikita na naman ni Senator Trillanes at kanyang mga kasabwat ang tunay nilang kulay: maitim at baluktot,” sabi ni Binay.
Iginiit ni Binay walang mali sa paggamit niya ng kanyang pork barrel fund.

“Dati ko nang sinabi na ang pondo ko ay bukas na tignan kung paano ginamit. Dahil alam ko sa sarili ko na ito ay ginamit nang tama at suportado nang mga dokumento. Masasabi din ba ni Senator Trillanes yan sa mga mamahaling Senate consultants niya na kasama ang kanyang katapid?”
Paliwanag ni Binay ang pondo na inilaan niya para sa medical at funeral assistance ng Makati ay inilagay sa trust fund. Nakukuha umano ni Makati Social Welfare Department na pinamumunuan ni Ryan Barcelo ang pondo dahil siya ang “bonded officer na taga-disburse.”
“Sen. Trillanes, bilang kapwa mambabatas, ang payo ko po ay dapat po ay pinag- aaralan natin ang ating mga sinasabi. Huwag ka mag akusa nang walang ebidensya. Huwag mong linlangin ang mga tao dahil gusto mo umangat sa ratings!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending