1 patay, 3 naospital sa cassava | Bandera

1 patay, 3 naospital sa cassava

John Roson |August 21,2015
facebook
share this

1 patay, 3 naospital sa cassava

John Roson - August 21, 2015 - 03:21 PM

pikit
Isang bata ang nasawi habang tatlo pang kapamilya nito ang naospital matapos umanong malason sa kinaing cassava sa Pikit, North Cotabato, ayon sa pulisya.

Nasawi si Mama Payag, 3, sa bahay ng pamilya habang sina Halid Payag, 12; Malealibai Payag, 10; at Arapia Payag ay isinugod sa Cruzado Medical Clinic and Hospital, sabi ni Chief Inspector Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police.

Dumanas ang apat ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain ng lutong cassava na bigay ng kamag-anak nilang si Kudem Esmael, ani Gonzales, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon Miyerkules sa Sitio Lebanon, Brgy. Gli-gli, aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending