Taga-Tondo wagi ng P30M jackpot sa Mega Lotto 6/45 | Bandera

Taga-Tondo wagi ng P30M jackpot sa Mega Lotto 6/45

Leifbilly Begas |August 20,2015
facebook
share this

Taga-Tondo wagi ng P30M jackpot sa Mega Lotto 6/45

Leifbilly Begas - August 20, 2015 - 01:14 PM

lotto 6-45
Sa Tondo, Maynila tumaya ang nanalo ng P30.1 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 14-45-7-28-44-1.
Umabot sa P16.3 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo.
Nanalo naman ng tig-P34,110 ang 24 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P560 naman ang tinamaan ng 1,161 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 18,261 mananaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending