Bayani bibida sa sitcom na mala-Cafeteria Aroma | Bandera

Bayani bibida sa sitcom na mala-Cafeteria Aroma

Julie Bonifacio |August 19,2015
facebook
share this

Bayani bibida sa sitcom na mala-Cafeteria Aroma

Julie Bonifacio - August 19, 2015 - 02:00 AM

bayani agbayani

Balik-It’s Showtime pala ang komedyanteng si Bayani Agbayani last Saturday. Nagkaroon ng bagong segment sa noontime show ng ABS-CBN ang mga umabot sa grand finals ng “Funny One.”

Si Bayani mismo ang nagbalita sa amin na kapag maganda ang rating ng huling appearance nila sa It’s Showtime” baka maging regular na ulit sila sa show.

Klaro naman kasi from the start na kaya nakapasok sa It’s Showtime si Bayani ay dahil sa portion na “Funny One” na supposed to be ay ang comeback show niya sa Kapamilya network.

But the executives of the network decided na mas maigi kung ilagay na lang muna sa It’s Showtime ang talent search segment na dapat ay solong iho-host ni Bayani.

Ayon kay Bayani, okey naman daw siya ngayon. Masaya pa niyang ibinalita sa amin na meron na raw agad siyang kasunod na proyekto sa Dos na mala-Cafeteria Aroma na dating sitcom sa GMA 7 bago mag-Student Canteen na pinangunahan ng sikat na komedyante noon na si Apeng Daldal.

“Ako ang may-ari ng Café tapos sa akin nagtatrabaho ‘yung mga Komikeros,” pagbabalita sa amin ni Bayani. Wala pa raw timeslot ang bagong comedy show ni Bayani sa Dos.

Pero nakipag-meeting na siya para sa budget ng show at magsisimula na siyang mag-taping. But most probably daw ay magsisumula sila ng taping next week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending