Jackie Forster suko na sa pagmamatigas nina Kobe at Andre | Bandera

Jackie Forster suko na sa pagmamatigas nina Kobe at Andre

Cristy Fermin |August 16,2015
facebook
share this

Jackie Forster suko na sa pagmamatigas nina Kobe at Andre

Cristy Fermin - August 16, 2015 - 02:00 AM

jackie forster

Parang sumusuko na si Jackie Forster sa pagsusumamo sa kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras. Ayon sa maganda pa ring aktres ay meron pa siyang sariling buhay na kailangan harapin at meron din siyang mga anak na nangangailangan ng kanyang atensiyon at pagmamahal.

Nu’n pa dapat naisip ni Jackie ang ganu’ng ideya, hindi niya dapat ipagpilitan ang kanyang sarili sa kanyang mga anak na sarado ang mga utak, nakikinig sa mga sulsol at walang sariling pag-iisip.

Abut-abot na ang panghihingi niya ng tawad sa mga anak niya sa kung anumang kasalanang nagawa niya sa interpretasyon ng magkapatid, pero para pa rin siyang nanglilimos ng awa mula kina Kobe at Andre, ginawa na niya ang lahat-lahat.

Panahon na para bigyan naman ng pansin ni Jackie ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya, huwag niyang sayangin ang mahalaga niyang panahon para sa mga taong walang pagpapahalaga sa kanyang pagmamahal, move on na.

Ang gusto na lang niyang mangyari ngayon ay ang makilala ng maysakit niyang anak sina Kobe at Andre, isang suntok sa buwan na namang pangarap, dahil siguradong may haharang sa gusto niyang maganap.

Karamihang anak ay makaina. Maaaring may mga anak ding nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang ama pero sa kalahatan ay makaina ang mga anak.

Isang araw, kapag hinog na ang panahon, ay hahanapin din nina Kobe at Andre ang kanilang nanay. Mangyayari at mangyayari ‘yun sa isang panahong hindi inaasahan ni Jackie.

Harinawang maganap ‘yun sa isang pagkakataong mararamdaman pa ng ina ang pagmamahal ng kanyang mga anak. Sana’y mangyari ‘yun sa lalong madaling panahon habang buhay pa silang mag-iina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending