Richard, Enchong may huling pasabog sa Wansapanataym | Bandera

Richard, Enchong may huling pasabog sa Wansapanataym

Ervin Santiago |August 16,2015
facebook
share this

Richard, Enchong may huling pasabog sa Wansapanataym

Ervin Santiago - August 16, 2015 - 02:00 AM

MASASAKSIHAN na ang tinaguriang Final Battle ng Kapamilya heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee ngayong Linggo sa pagtatapos ng kanilang Wansapanataym special na My Kung Fu Chinito.

Sa pagtuklas nila sa kasamaan ni Mr. Chua (Atoy Co), magsasanib-pwersa ang mag-ama na sina Chairman Tai (Richard) at Diego (Enchong) upang matuldukan ang mga krimen sa kanilang lugar.

Magtagumpay kaya sina Chairman Ta at Diego na manapanitili ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang bayan? Maituturo nga ba nila kay Mr. Chua na higit na mas mahalaga ang pagmamahal ng pamilya kaysa sa kayamanan at kapangyarihan?

Kasama rin nina Richard at Enchong sa kanilang “Wansapanataym” special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco Domingo, at direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang ‘Final Battle’ nina Richard at Enchong sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito ngayong gabi na sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending